Kabanata 16

183 6 0
                                    

"Zel tara?" Nakangiting sabi sa akin ni Gian kaya mabilis rin akong tumango.

Bahagya niya pang hinawakan ang siko ko pero agad akong lumayo sa kaniya at umiwas. Napaawang ang labi niya sa ginawa ko at mukhang bahagya siyang naoffend pero wala rin naman siyang sinabi.

Bumili kasi kami ng ink ngayon saka iilang bondpapers sa mall kasi naubusan ang shop nila. Pauwi na rin kami, sumama lang ako kasi mapilit siya at sabi rin ng Mama niya samahan ko si Gian dahil baka mali ang mabili.

Tahimik nalang akong sumabay sa kaniya sa paglalakad. Mga ilanh oras lang nakabalik rin naman kaagad kami sa shop nila. Napangiti ang Mama niya ng makita kaming magkasama.

"Bagay kayo" panunuya niya na kinangiwi ko ng bahagya pero hindi ko pinakita.

"Ma" nahihiyang sabi ni Gian pero tinawanan lang siya ng Mama niya.

"Sorry Zel." Paghingi niya ng tawad kaagad ng makaalis ang Mama niya.

I just nod and smile a bit. "Okay lang, nagbibiro lang rin naman siya." Sabi ko pero sandali siyang napatitig sa mukha ko sabay buntong hininga at iwas ng tingin kalaunan.

Inasikaso ko nalang ang bagong dating na mga bata na magpapagawa ng project kaya naging busy rin ako. Ineenjoy ko lang ang kainosentehan ng mga elementary kaya hindi naging boring ang paggawa ko ng project nila.

"Thank you ate Zel!" Masayang sabi nila ng matapos.

"Okay lang, ingat kayo." Nakangiting sabi ko bago sila lumabas ng shop.

Noong mapatingin ako kay Gian nahuli ko siyang nakatingin rin sa akin kaya agad siyang umiwas ng tingin. Napakunot nalang ang noo ko dahil doon pero hindi ko na binigyan ng pansin pa.

"Zel meryenda?" Alok niya kalaunan na tinanggihan ko rin.

Habang wala pang costumer nagwalis muna ako ng computer shop para may gawin.

"Wag na 'yan Zel, hindi mo trabaho 'yan."

"Okay lang Gian, hindi naman mahirap 'to." Sabi ko na kinailing niya nalang.

Nag-usap kami tungkol sa mga subjects namin sa school hanggang sa may mga batang dumating para maglaro ng computer games. Ramdam na ramdam ko ang dobleng ilang ni Gian para sa akin na hindi ko ri maintindihan. Hindi na siya makatingin ng diretso sa akin na ipinagtataka ko.

Wala naman akong pakealan kaya ayos lang.

Zaid suddenly came into my mind. Hindi ko na tiningnan pa ang profile niya sa facebook at hindi ko na rin inopen ang facebook na gawa ko. Nablock ko na nga ata ng account na 'yon.

Napangiti nalang ako ng malungkot saka umiling. It's been a month already. Hindi na babalik 'yon dito.

"Zel okay ka lang Hija?" Agad akong napakurap-kurap ng marinig ang boses ng Mama ni Gian.

"Po? Sorry po may naisip lang." Sabi ko sabay ngiti ng tipid.

Tumango rin naman siya sa akin saka ngumiti rin ng tipid. Muntik ko ng batukan ang sarili ko habang bumabalik sa trabaho. You're spacing out again becuase of that man Zel.

Natapos ang trabaho ko sa araw na 'yon na maayos namaan kahit ilang beses akong nawala sa sarili at natutulala. Nairaos ko naman kahit papaano.

"Oh, hindi ko na ata nakikita boyfriend mo ah? Nakuha ka na ba kaya ka iniwan? Wawa Zel." Panunuya ni Lexi sabay tulad sa balikat ko ng bahagya na kinayuko ko nalang.

"Umasa pa kasi, ayan tuloy. Nakakatawa ka naman." Mas pinili ko nalang na hindi siya pansinin kahit naiwan sa puso ko ang mga sinabi niya.

Zaid is not my boyfriend but why does it feel that he really did left me? Bakit parang girlfriend ako na iniwan kung makapag-asta at masaktan? I am really going crazy.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon