Kabanata 21

195 10 0
                                    

Nang ma charge ang phone ko agad kong dinail ang number ni Zaid pero can not be reach. I tried to call him many times but I can't contact him. Nakatulugan ko na ang pag-iyak.

Nang magising ako alas tres ng madaling araw nag-open ako ng facebook baka sakaling macontact ko si Zaid. Nirecover ko ang account ko. Kabado kong tiningnan ang profile niya pero sabay na nahulog ang cellphone na hawak ko saka saka ang luha ko dahil sa sa unang picyure sa timeline niya.

Nanginginig kong tinitigang mabuti ang picture sabay sabi sa sarili ko na baka hindi si Zaid 'yon. Pero mas lumakas lang ang agos ng luha ko ng mapatunayan na siya talaga 'yon.

It was Zaid, kissing another girl on the photo. Unlike the previous one that I saw, this one is more clear. Kitang kita na magkadikit ang labi nila. It was the same, 'yong Angel. Isang picture lang 'yon pero parang punyal na bumaon sa dibdib ko ang epekto.

Unti-unting akong nababasag na parang isang bolang cystal. Na parang hindi na mapagtagpi-tagpi ulit. Wala ng pag-asang maayos pa.

Tama nga yata, ginamit niya lang ako.

I should be angry but I couldn't. Hindi ko magawang magalit sa kaniya kasi iniintindi siya ng utak at puso ko. I was kissed by another guy and he kissed another girl. Ang sakit! Mahal ko siya, hindi ko magawang magalit.

Mugto ang mga mata kong pumasok sa school. Kahit wala akong gana pinilit kong pumasok, kahit ang sakit sakit parin ng puso ko. Agad kong tiningnan ang pangalan ko sa mga makakapasa at sa makakagraduate na this year.

Walang gana akong tumango ng makita ko ang pangalan ko sa pinakauna. Hindi ako masaya. Mas nasasaktan lang ako.

"Zel apply ka na for cum laude. Siguradong aabot ang grade mo!" Masayang sabi ng isang kaklase ko na hindi ko manlang binigyan ng kahit anong pansin.

Naglahad ako ng dahan-dahan paalis. Gusto kong sumaya kahit kaunti pero hindi ko magawa. Lugmok na lugmok ako. Masasabi ko na para akong tuta na nawalay sa pamilya. I have no one to go home. I don't even have a home.

Pinatawag ako ng Dean nagpunta rin ako doon kaagad.

"My friend contacted me, okay na okay na ang trabaho mo doon. After graduation you can already fly to Cebu." Nakangiting sabi niya kaya sinuklian ko rin siya ng pilit na ngiti.

Sana masaya rin ako.

"Pwede na nga ngayon hahahhaha, pero kapag nandoon ka na kontakin mo ako. Ako na ang bahala sa mga papeles mo. Congratulations Zel." Sabi niya sabay bigay ng isang calling card na tinanggap ko rin kaagad.

Nagpaalam na ako sa kaniya bago tuluyang lumabas ng office niya. The rehearsal for our graduation will start tomorrow.

I waited for this. I waited to graduate. Pero bakit parang hindi ako masaya? Bakit parang ayoko na?

Bigo akong napatingin sa cellphone na hawak ko. I laughed fakely when I realize that it's from Zaid. Sa kaniya 'to, deserve ko pa bang gamitin 'to?

"Zel, pwede ba kitang makausap? Please Zel... " sabi ni Don ng maabutan ako sa library.

Walang emosyon ko siyang tiningnan saka dali-daling tumayo para umalis doon. I know I should not be angry with him but I can't help it. Hindi ko lang gusto na ang huling ala-ala sa akin ni Zaid ay ang makita akong hinalikan ng ibang lalaki.

"Zel please, kausapin mo ako. Zel, sorry, sorry talaga. Zel...." pagsusumamo niya pa.

"Pwede ba Don! If you love me just respect me! Respeto nalang ang hinihingi ko, d-deserve ko naman 'yon diba?" Natigilan siya sa sinabi ko bago napayuko kaya mabilis ko siyang iniwan doon na medyo naluluha na.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon