Kabanata 28

260 9 2
                                    

Nahiga ako sa tabi ni Zed at tahimik na umiyak. Paano ko sasabihin ang tungkol sa kaniya kay Zaid kung hindi kami magkasundo. I am still hurting. He's hurting me a lot.

Ang dali niyang magconclude ng mga bagay bagay na hindi manlang ako tinatanong.

"Mommy!" Masayang sabi ni Zed ng magising siya na ako ang katabi.

"Yes Baby?" Malambing na sagot ko pero niyakap lang niya ako ng mahigpit.

Napahigpit narin ang yakap ko sa kaniya. After what happened last night, parang ayoko ng magtrabaho sa kumpaniya ni Zaid.

Pero hindi pwede. I need to be professional. Our personal reasons are out in this work.

Pagkarating ko sa office agad kong kinuha ang tinapos ko kagabi at agad pumunta sa last floor. I know that the Ceo is already inside his office but I don't wanna see him. Mapapasa ko naman 'to ng hindi ko siya nakikita.

"Hi, this is for Sir Varde." Sabi ko sa secretary bago nilapag ang hawak ko.

"He's inside Ma'am, you can give it by yourself." Sabi niya pero umiling lang ako.

"Hindi na, pwede bang ikaw nalang ang magbigay?" Pakiusap ko kaya tumango rin siya kaagad.

"Pakisabi na galing kay Miss Acevedo. Thank you."

Agad rin akong umalis doon ng pumayag ang secretary niya. Natapos ko naman ang pinagawa niya kaya wala na akong dapat ipag-alala. He is my boss and I am his employee, I must act that way.

Nagtrabaho ulit ako ng tahimik tulad ng mga kasama ko. Lahat kami tutok na tutok sa computer pero ako lang ata ang wala sa mood. Hindi ako mapakali.

"Miss Acevedo, Sir Varde is calling you." Natigil ako sa ginagawa at tiningnan ang secretary ni Ma'am.

'Yon lang ang sinabi niya, umalis rin siya kaagad kaya hindi ako nakapagtanong.

"Huh?" Tanong ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa akong nag-isip bago tuluyang tumayo. Is he going to fire me? I chuckled sarcastically. Tahimik ako habang nasa loob ng elevator. Wala akong maisip na rason kung bakit niya ako pinapatawag maliban sa tatanggalin na niya ako sa trabaho. Hindi naman siguro dahil sa trabaho ko kasi kahit antok na antok ako kagabi sinigurado ko naman na tama 'yon.

Or is he really going to fire me now because he saw some chocolates on my desk. Hindi niya ako tinanggal kaya ngayon niya ako tatanggalin?

I sighed and walk slowly towards his secretary.

"Hi, can I enter? The Ceo wants to talk to me someone said." She smiled and nod.

"He's waiting inside Miss Acevedo."

Ngumiti rin ako saka tumango sa kaniya. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa opisina ni Zaid. I sighed before pushing the door.

"Good morning Sir." Wala sa sariling bati sabay hakbang papalapit sa mesa niya ng kaunti.

Malamig niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Napaigting ang panga niya kaya bahagya nangunot ang noo ko pero nanatili akong pormal na nakatayo.

He cleared his throat. Niluwagan niya ang necktie niya saka dahan dahan sumandal sa swivel chair habang nakatingin sa akin. Ilang sandali kaming nagkatitigan ng walang kahit anong sinasabi. His face was full of coldness and seriousness.

"Miss Acevedo..." dahan dahan ang pagbigkas niya sa pangalan ko na parang nang-uuyam.

Bahagyang tumalim ang mga mata ko sa kaniya pero agad ko ring pinalitan ng pormal lang na tingin. Galing sa pagkakasandal unti-unti siyang yumuko at bahagyang humilig sa table niya habang nakatingin parin sa akin.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon