Kabanata 7

207 7 0
                                    

Naiwan ko ang payong ko sa kotse ni Zaid.

Nakalimutan ko talaga, hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita para makuha 'yon. Kaisa-isang payong ko pa naman 'yon.

Ngayon ko lang naalala dahil umuulan ng malakas kaya hindi ako makauwi. Wala akong payong.

"Zel tara sukob ka!" Malakas na sabi ni Don kaya napasulyap ako sa kaniya na ngayon ay may bitbit na itim na payong.

"Kasya ba tayo?"

Binuksan niya ang payong niya at natawa nalang ako kasi ayaw bumukas no'n. Napakamot siya sa ulo niya saka nahihiyang tumingin sa akin.

Patuloy nalang akong tumawa pero ng makita ko siyang manghang nakatingin sa akin tumigil ako at kinunutan siya ng noo.

"Ha?" Tanong ko na kinailing niya at kinangiti ng tipid.

Sabay naming hinintay na tumila ang ulan. Marami-rami ring estudyante ang nandito dahil wala ring payong o kaya takot mabasa dahil napakalakas ng ulan, walang magagawa ang payong.

Nang medyo tumila ang ulan agad akong naglakad palabas.

"Zel umuulan pa!"

"Okay na 'to" sagot ko kay Don saka patuloy na naglakad papunta sa gate kahit umuulan pa ng kaunti.

Sumunod naman siya sa akin na hindi ko nalang pinagtuonan pa ng pansin. Hindi na ako pupunta ng palengke kasi sigurado ako na nakauwi na si Lola, medyo dumidilim na rin kasi.

"Zel sabay ka na sa'kin, may motor akong dala."

"Wag na Don, marami pa namng trisikel." Pagtanggi ko.

Tinitigan niya ako sandali bago siya napabuntong hininga.

"Sigurado ka?" Tanong niya ulit na kinatango ko.

Nakakahiya namang umangkas sa motor at hindi ako sanay.

"Sige mauna ka na, maghihintay nalang ako dito ng masasakyan." Parang nagdadalawang isip pa siyang umalis pero sa huli humakbang narin para puntahan ang motor niya.

Napatinghala ako sa medyo madilim na kalangitan. Napangiti ako ng tipid dahil kitang-kita ko kung paano pumatak ang ulan na parang luha galing sa mga mata.

"Hey"

Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na si Zaid 'yon dala-dala ang payong ko na kulay pink. Napatinghala ako sa payong kung saan kaming dalawang nakasukob.

Napangiti ako bago tumingin sa magkabilang gilid kung meron ba kaming kasama pero wala. Mukhang nasa loob parin ang mga estudyante dahil sa ulan.

"Bakit ka naliligo sa ulan?"

Napatingin ako sa payong na hawak niya. Hindi siya bagay sa pink, masyado siyang matigas para sa kulay na pink.

"Wala akong payong." Sagot ko kaya nangunot lang ang noo niya.

Galing sa kaniya dumiretso ang mga mata ko sa kotse na nakapark sa hindi kalayuan. Iba ang kotse na gamit niya ngayon.

"Bakit ka nandito?" Marahang tanong ko.

He shrugged his shoulders, I waited for him to answer me but he didn't.

"Let's go, hatid na kita." Napatingin ulit ako sa kaniya.

"Hindi na, baka may pupuntahan ka." Nasabi ko kaya napahalakhak siya ng kaunti.

"Yeah"

"....actually I wanna visit my friend here but I saw you and I remember your umbrella. Bukas nalang siguro ako pupunta doon."

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon