Kabanata 2

212 8 2
                                    

"Tara bilis" sabi ni Ella kaya bahagya akong natawa kasi kanina niya pa kami inaapura.

Lunch time kasi namin kaya pumunta kami ngayon sa palengke para bumili ng materials sa isang project na gagamitin namin.

"Ano nga ang bibilhin?" Sabay nilang tanong kaya natawa ulit ako ng mahina.

"Tumahimik ka nalang Ella" asar na saway ni Mace kay Ella.

"Wag mo akong pakialaman Mace" asar na ganti rin ni Ella.

"Akala mk nakakalimutan ko kung gaano ka kabaliw kay Dave na anak ni Mayor? Gaga ka, pumasok ka pa talaga ng St. Luke's para sampalin ang girlfriend niya." Nanlaki ang mga mata ko at biglang napatingin kay Ella dahil sa sinabi ni Mace.

Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin at hilaw na ngumisi.

"Tumahimik ka" sabi ni Ella kay Mace sabay tingin tingin sa paligid kung may nakarinig ba.

Napangisi nalang ni Mace ng makita ang kaba sa mukha ni Ella.

"Myghad, sinampal mo talaga ang babae kasi may crush ka kay Dave? Pasalamat ka hindi ka namukhaan. Nag break na sila't lahat-lahat hindi ka parin napapansin." Natatawang dagdag pa ni Mace.

Ito ata ang babaeng palaging kasama ni Dave noon na anak ni Governor. Magkaedad kasi kami nina Dave kaya alam ko at kalat na kalat kasi noon sa Masvedo na may girlfriend ang anak ng Governor. I mean Dave is a playboy so the news that he has a girlfriend literally shocked us.

Dayo ata ang babae, I have a chance to see her face that time and I must say that she's really beautiful. Ang ganda niya, kulay asul ang mga mata niya at halatang hindi purong Pilipino ang dugo niya. Nakita ko na sila noong dalawa sa palengke noon at masasabi kong girlfriend nga talaga ni Dave 'yon kasi grabe siya kung makahawak sa babae.

But that was few months ago. They broke up according to some students from St. Luke's. And the girl just disappeared. I mean, umalis siya.

"Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan ng nalaman kong pinahanap ni Dave 'yong sumampal! Mabuti nalang talaga mahaba ang buhok ko kaya walang nakakita ng mukha ko that time. Na carried away lang talaga ako. Crush ko kasi si Dave." Natawa nalang ako sa pagbabangayan ng dalawa.

"Nasaan na ba 'yong girlfriend niya? Bella ang pangalan diba? Dinala na nga 'yon ni Dave sa mansyon nila diba? Pinakilala na kay Gov? Magkasama sila sa medical mission last last month e. Ang ganda no'ng babae grabe."

Pinagpatuloy ko nalang ang pamimili habang nakikinig sa kanila ng bahagya.

"Kaheight ata ni Zel." Nginusuan ko silang dalawa pero busy sila sa pag-uusap kaya hindi nila napansin.

Nang matapos kaming bumili ng mga gamit agad rin kaming naglakad pabalik sa school. Habang papalabas kami ng palengke biglang natigilan si Ella kaya kunot noo namin siyang tiningnan ni Mace.

"Problema?" Tanong ni Mace kay Ella na nakatulala.

Kunot noo kaming napatingin rin ni Mace sa tinitingnan niya at kusa nalang nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Napalunok ako. I understand now, kung bakit natigilan si Ella.

I saw the owner of the mansion near from us. Kabababa niya lang sa kotse at may shades pa siya. He's wearing his black pants and body hugging white shirt. Nagmukha siyang modelo na nageendorse ng sasakyan. Parang wala siyang pakialam na tinititigan na siya ng mga tao ngayon dito sa palengke.

"Sino 'yan?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Ang gwapo pakshet." Hindi makapaniwalang sahi ni Ella.

Kahit ako hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Para bang nagslow motion ang paligid ng unti-unti niyang tinanggal ang shades na suot niya at lumingon lingon sa paligid na tila may hinahanap.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon