Kabanata 19

203 6 1
                                    

Akala ko tatagal ng isang linggo ang pag-alis ni Zaid pero kinabukasan lang nandito ulit siya.

Ang bilis lumipas ng mga araw. Kapag masaya ka daw parang mabilis ang takbo ng oras at napatunayan ko 'yan ngayon.

Zaid really stayed in this province. Pero madalas rin siyang umaalis para sa mga meetings na kailangan siya pero apat na araw lang ang pinakamatagal. He literally work here. Hindi ko alam kung nagiging hands on ba siya sa business niya kahit malayo siya. Hindi ko alam kung anong pangalan ng negosyong pinapatakbo niya pero alam kong mahirap 'yon.

Minsan nakikita ko siya kung paanong magtrabaho. May mini office kasi siya dito sa bahay niya kaya doon siya. Palagi rin akong nandoon at minsan hinahayaan niya akong tingnan ang mga ginagawa niya. Ang dami niyang pinipiramahan at ang dami niyang binabasa. Tutok na tutok siya sa laptop. I like this side of him, I like his workaholic side.

My finals came and I think I am ready. Zaid taught me a lot, tinuro niya sa akin ang hindi tinuro ng mga instructor namin. Hindi ko alam kung bakit pero kapag doon ako sa opisina niya palagi niya akong tinuturuan  ng mga bagay-bagay. Minsan nga pinagawa niya pa ako ng report.

I smiled when I remember my failures in that one.

"Zaid?" Problemadong tawag ko kay Zaid kasi hindi ko na alam ang ginagawa ko.

"Huh?" Marahang sabi niya sabay tingin sa screen ng laptop kung saan ko ginagawa ang reports. Napakagat labi ako kasi alam kong mali.

Akalain mo! Mali ang tinuro ng instructor namin!

"Wrong..." malamig na sabi niya sabay turo sa mga pagkakamali ko.

Tinuruan niya ako kung paano mas gawin sa madaling paraan ang mga papeles na palaging hinihingi sa business. My brain refreshed! Lahat ng kaalaman galing sa kaniya ay hindi talaga naituturo sa amin.

"Mali ang turo sa inyo, kapag ako boss mo tanggal ka na." Napanguso ako saka tiningnan kung paano niya ayusin ang pagkakamali ko.

Sana traight A ang grade ko ngayon. May trabaho na naghihintay sa akin kaya hindi ko pwedeng madisappoint si Dean. Pasang awa ang score ko no'ng midterms kaya sana mabawi.

Pero sa palagay ko mababawi ko naman. Nag-aral naman ako, saka tinuruan pa ako ni Zaid.

"Sana kaunti lang ang mali" piping dasal ko bago ipasa ang sinagutan ko.

Natapos ang finals ng magaan sa loob ko kasi lumabas lahat ng pinag-aralan ko. Malapit na ang graduation.

Wala si Zaid ngayon, pumuntang Batangas kasi may-aayusin daw. Hindi ko naman tinanong kung anong aayusin niya. Baka bukas ang balik, sana.

Nakangiti akong pumara ng trisikel saka nagpahatid sa bahay. Maagang natapos kaya maaga rin akong uuwi.

Habang naglalakad papalapit sa bahay, nangunot ang noo ko ng makarinig ng iyakan. Agad akong nagmadali dahil sa kaba. Baka kung anong nangyari kay Lola.

Pagkarating ko sa pintuan gulat na gulat akong napatigin kay Lexi na halos nakaluhod na sa paanan ni Tita at Lola habang umiiyak. Umiiyak rin si Lola at Tita habang si Tito parang walang ekspresyon. Nangunot ang noo ko sa pagtataka.

"Ano po....." hindi na natapos ang sasabihin ko dahil mas humagulgol si Lexi.

Agad ko siyang dinaluhan saka pilit na pinatayo pero malakas niya akong tinulak kaya napaatras ako at muntik na ring mapaupo. Nanlilisik ang mga mata ni Lexi sa akin bago binalik kina Tita.

"Mama, Lola sorry po! Hindi ko po sinasadya! Lola, sorry po." Hagulgol na sabi ni Lexi kaya mas lalo akong naguluhan.

Anong nangyari?

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon