Kabanata 15

200 5 2
                                    

"Gagi malapit na ang finals!" Kinakabahang sigaw ni Ella.

Natahimik naman ako. Malapit na ang midterms saka finals namin tapos graduation na. Sa wakas makakagraduate narin ako. Matagal kong hinintay na makatapos sa college, nagtiis ako at ngayon ito na. Sa wakas, makukuha ko na rin ang diploma ko.

"Makakagraduate ng walang alam! Yess!" Pabirong sigaw rin ni Mace kaya napangiti nalang ako saka umiiling iling.

College has been so challenging for all of us. And now, we are finally graduating. Kaunting paghihintay nalang. I will make sure that I'll pass everything. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. I am so eager to work as a professional. I am eager to live the life that I'm dreaming for a long time. I am eager to find a place. Find?

Bakit pakiramdam ko nahanap ko na ang lugar ko?

"Uy tulungan ah! Walang maiiwan sa batch na 'to!" Masayang sabi ng president namin na sinang-ayunan naming lahat.

"Kaya natin 'to! Ilang taon na tayong nagsikap ngayon paba tayo susuko? Finish line na susunod!" Sigaw rin ng isa na lalong nagpalakas ng loob namin.

Lahat kami excited. Lahat kami gusto ng mamuhay at magtrabaho. Lahat kami gusto ng maranasan ang tunay na buhay na tinatawag. Masasabi ko na kahit hindi naging mabait sa akin ang tadhana, maswerte parin ako kasi nakapag-aral ako. Makakapagtapos na. Kaya 'to.

I want to graduate. Iyon lang maipagmamalaki ko. Na kahit walang wala akong makapitan, nagawa kong makapagtapos.

"Zel meryenda?" Aya ulit ni Mace pero inilingan ko.

Mas magtitipid ako ngayon. Gagamitin ko ang pera ko sa paghahanap ng trabaho kapag nakatapos. Kailangan kong paghandaan.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad papunta sa library. Excited ako sa ideyang kaunting tiis nalang makakapagtapos na ko.

Pagkarating ko sa library agad akong kumuha ng romance love stories. Natatawa ako sa sarili ko kasi gustong-gusto ko ng magbasa ng mga ito. Para matuto? I don't know but maybe yes?

I am curious of everything about love from now on. Ang sarap pala kiligin? Kinilig na ako? Oo ang sagot. Hindi ko maipagkakaila.

Pakiramdam ko lahat ng nababasa ko ngayon naranasan ko na. Ceo ba naman ang bidang lalaki. Ngayon lang ako naaliw sa pagbabasa ng love story ng iba. Love is an electrifying and addictive feeling that will make you crazy it says. Pwedeng totoo.

"Zel sana naman ngayon pagbigyan mo na ako, ilang ulit na kitang naiyaya puro ka tanggi. Outing tayo," kunwaring nalulungkot na sabi ni Don kaya napangiwi ako.

"Saan?" Tanong ko kahit hindi naman ako interesado.

"Sa Buron River? O sa Vista Coloma? Ikaw? Saan mo ba gusto?" Nangunot ang noo ko.

"Huh? Ako pipili? Sino bang sasama kung sakali?" Napakamot siya sa batok niya sabay ngiti ng nahihiya.

"Tayo lang." Agad akong umiling ng marinig 'yon.

"Ay wag...I mean, next time nalang ulit." Biglang tanggi ko.

Bumuntong hininga siya. "Zel, napractice mo na atang tumanggi sa mga nag-aaya sa'yo ah?" I just smiled and excuse myself.

Hindi kasi ako kumportableng sumama sa iba. Pakiramdam ko may masamang mangyayari palagi. I don't trust anyone so much. Well, maybe except for Zaid. He's gone too far now, he manage to enter into my system that fast. Really fast na hindi ako nakapaghanda.

"Miss Acevedo pwede ba kitang makausap?" Gulat akong napatingin sa Dean.

"Po?" The Dean smiled so my heart raced.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon