Kabanata 40

410 12 0
                                    

My life is not so good, it was all pain and sacrifices. Kung iisipin ko ang pinagdaanan ko mula bata pa ako parang gusto kong maiyak, naaawa ako sa sarili ko. Pero hindi ko kinakahiya lahat ng 'yon, because of that I get tough. I manage to face my problems.

And now that I feel so blessed, wala na akong mahihiling pa. I have two  lovable guys with me. They are my family. I am already contented in this kind of life. Wala na akong hahanapin pa. I am already ready to face a lot of problems ahead of us.

Napangiti ako saka kinuha ang cake na binake ko. Today is Zaid's birthday, 3rd day of July and wanna make this extra special. Tinanguan ko sila manang para sila na ang mag-ayos ng mga pagkain sa lamesa sa labas.

Excited akong umakyat sa taas para gisingin ang dalawa na tulog pa. Pagkapasok ko sa room tulog na tulog pa sila habang nagyayakapan.

"Happy birthday" mahinang sabi ko kay Zaid sabay halik sa labi niya kaya unti-unti siyang nagising. Agad nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hawak ko.

"Happy birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you."

Kahit ako natawa sa pagkanta ko. Hindi siya gumalaw, gulat lang siyang nakatingin sa akin.

"Happy birthday Daddy!" Sabi ni Zed na bigla ring gumising.

"Happy birthday." Malambing na sabi ko saka hinalikan ulit siya sa labi.

"Damn baby, you are making me fall even more." Mariing sabi niya sabay yakap sa akin.

Pareho kaming natawa ng si Zed na ang nagblow ng condle. "Daddy I did it!"

"Happy birthday" ulit ko kaya hinalikan niya ako sa noo.

"Thank you, I love you so much." I smiled and give him a smack again on the lips.

Sabay-sabay kaming bumaba para kumain. I cooked some dishes for today, I also did a simple decoration. I just hope he'll like it.

"Happy Birthday Sir!" Sabay-sabay na bati ng mga kasambahay, driver at body guards ng mapunta kami sa garden.

Zaid curse and grip my waist more. "Baby..." hindi makapaniwalang sabi niya.

"I'll get the blue one!" Masayang sabi ni Zed sabay turo sa balloon na malaki.

Hinalikan niya ako ng mariin sa labi nang hindi tumitingin ang anak. I smiled and kiss him back but I immediately stopped because we are not alone. Pinagdikit niya ang mga noo namin.

"I don't know what I did to deserve you." Bulong niya saka hinalikan ulit ako sa noo habang nakapikit.

Kumain kami kasama ang mga silang lahat.

"Daddy fried chicken!" Sabi mi Zed nang kunin ni Zaid ang huling fried chicken. Binigay nalang ni Zaid sa anak bago ako niyakap galing sa gilid.

"Where's my gift?" Marahang bulong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

I prepared all of this. Kailangan pa bang may gift? Hindi ako nakabili.

"Ha? Bukas?" Sabi ko pero ngumisi lang siya.

Unti-unti siyang tumayo kaya sinundan ko siya ng tingin. Nang hindi siya umupo ulit napatayo rin ako para sundan siya.

"Za-"

Hindi natapos ang sasabihin ko ng unti-unti siyang lumuhod gamit ang isang tuhod sa harap ko. I covered my mouth in shock and my eyes watered. May kinuha siyang isang pulang box na maliit saka binuksak 'yon at tinapat sa akin. My tears fell when I saw a ring, a ring with a big stone at the center.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon