Kabanata 1

246 7 0
                                    

Suot suot ko na ang uniform namin na red na skirt na hanggang itaas ng tuhod saka dirty white na blouse, ready ng pumasok ngayong araw.

"La pasok na po ako." Magalang na paalam ko kaya tinanguan niya lang ako ng hindi manlang nililingon.

Tahimik nalang ako na lumabas ng bahay para maglakad kaso tinawag ulit ako ni Lola kaya bumalik ulit ako.

"Po?" Nagbuntong hininga siya saka binigay sa akin ang isang bilao na may sapin-sapin.

"Zel idaan mo muna ito sa mansyon sa pinagtatrabahuhan ni Mareng Linda. Mag-ingat ka naman Zel. Ako na sana ang maghahatid kaso pupunta pala ako sa opina ng life bank, ngayon na ang loan ko. Ikaw na muna ang maghatid niyan. Mag-ingat ka Zel, 'wag ka ng magbasag."

Agad kumalabog ang dibdib ko sa kaba pero hindi na ako nagreklamo. Wala sa sarili akong naglakad papunta sa pila ng trisikel dala-dala ang bilao ng sapin-sapin.

"Mang pitong sa mansyon po sa purok siyete."

"Sa bagong mansyon Zel?"

"Opo, maghahatid po kasi ako nitong sapin-sapin ni Lola."

Tumango lang si Mang Pitong saka pinaandar na ang trisikel.

"Kuryuso talag ako sa mansyon na 'yon. Bata pa ba ang may-ari Zel o kaedad ko lang? Napakayaman siguro."

Napatikhim nalang ako saka hindi na sinagot pa si Mang Pitong.

Ang lalaking kaya 'yon ang may-ari ng bahay talaga o anak lang siya ng may-ari? He's so young, I mean young to be a millionare. That mansion cost millions or even billion.

"Hihintayin ba kita Zel?" Napangiti ako saka umiling kay Mang Pitong.

"Wag na Mang Pitong, baka po medyo matagalan pa ako."

Agad na rin siyang umalis. Ako naman huminga muna ng malalim bago pindutin ang doorbell.

I'm nervous. Hindi ko maiwasang kabahan kasi may nabasag akong mamahaling bagay dito kagabi. Paano kapag beastmode na ngayon ang may-ari at pagbayarin ako?

Natigil ako kakaisip ng biglang bumukas ang gate.

"Lola Linda pinadala po ulit ni Lola." Napabuntong hininga si Lola Linda kaya napakagat labi ako.

"Sige pumasok ka muna Zel at kukunin ko ulit ang bayad." Dahan dahan akong tumango saka sumunod sa kaniya.

Nang makarating kami sa harap ng main door tiningnan niya ako kaya alam ko na kung ano ang nasa isip niya.

"Dito ka nalang maghintay sa labas Zel para siguradong wala ng mangyari tulad kagabi." Pilit akong ngumiti kay Lola Linda saka tumango ng dahan dahan.

Habang naghihintay, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa buong paligid.

Hatang nilandscape ang garden kasi napakaganda. May mga katamtamang taas ng puno ng niyog at ilang pang puno malapit sa pader. Puro green rin ang kulay ng damo na magkakapntay sa luha kaya napakaaliwalas tingnan. Halata ang karangyaan sa bahay na ito. May tatlong kotse sa garahe na halata namang hindi nagagamit palagi kasi ang kintab pa at hatalang bago.

I wonder kung ano ang nasa bandang likuran ng mansyon na 'to. Baka may pool tulad ng mga mansyon sa iilang hacienda na nandito sa lugar namin.

Ang lawak ng space ng bakuran nila.

Dahil sa kakamasid sa paligid, bigla akong natuod ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na hubog ng katawan ng isang lalaki na mukhang galing sa gilid ng mansion. Agad namuhay ang kaba at takot sa sistema ko.

I was about to hide but he already saw me so I just bow down my head. Napalunok ako habang nakatingin sa paanan ko. Kinakabahan ako.

"Zel, ito na ang bayad. Umalis ka na." Tarantang sabi ni Lola Linda na kakarating lang ng makita rin ang amo niya.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon