Chapter 2- Missing Page

13.3K 322 80
                                    

Aurora's POV

Maalinsangan na gabi ng magising ako. Pumunta ako sa silid-aklatan naming mga Wizards at kinuha ang wizard's book. Binuklat ko ang unang pahina nito at binasa ng mabuti.

'TO CHANGE ANYTHING, SACRIFICE THE POWER'

Simula ng maka balik ako dito sa Transylvania at nalaman ko ang nangyari kay James Waldorf, pakiramdam ko na may maling ginawa ang mga kasamahan ko. Oo kinalaban niya ang propisiya, oo isinakripisyo niya ang lahat ng kapangyarihan niya, oo nanghihina siya ng tuluyan ngayon pero hindi ibig sabihin nun na magiging isang normal na tao siya--na hindi na siya isang bampira.

Talagang may mali.

Isa isa kong tinignan ang mga pahina para makapag hanap ng mga paraan kung paano maibabalik sa dati si James pero nagulat nalang ako ng makitang punit at nawawala ang isa sa mga pahina ng libro. Tinignan ko ang ibang wizard's book, bawat isa kasi sa amin ay mayroong ganitong libro, pero nagulat nalang ako dahil tulad ng nasa ibang libro, nawawala rin ang isa sa pahina nito. Ibig sabihin may traydor na naka pasok dito sa Transylvania. Ibig sabihin nasa pahina na iyon ang nag-iisang paraan kung paano ko matutulungan si James.

"Aurora? Anong ginagawa mo? Hindi ka ba matutulog?" tanong ng isa sa aking mga kasamahan. Si Bettina.

"Bettina, tawagin mo ang lahat at mag tipon. May kailangan lang akong linawin at itanong."

"Sige. Masusunod." yumuko siya akin bago humakbang paalis. Pero bago pa man siya makalayo ay muli niya akong nilingon "Oo nga pala, may balita ako tungkol sa isa mong kapatid Aurora." sambit nito na siyang naging dahilan ng pag bilis ng tibok ng puso ko.

"A-Anong balita?"

"Nasa malayo siyang lugar ngayon. Hindi mo ba siya hahanapin o pupuntahan man lang?" tanong ni Bettina.

"Hindi na muna sa ngayon." napayuko ako.

"O sige. Gigisingin ko na ang lahat." Hindi na ako umimik pa at hinintay na makalabas siya.

Bumuntong hininga ako.

Ilang taon na ang lumipas ng magkahiwa-hiwalay kami ng aking mga kapatid. Pagkatapos ang labanan ng mga bampira at mga tao, nawala ang dalawa kong kapatid. Hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon at hindi ko alam kung ano ang nangyari noong mga panahon na 'yon. Ng mamatay ako, hindi dahil sa aksiedenteng pag inom ko ng sariling lason na gawa ko, kundi dahil may nagtangkang pumatay sa akin, gumawa ako ng paraan para makabalik. At mabuti nalang naka gawa rin ng kakaibang ritual ang aking mga kasama para makabalik ako at mabuhay muli. Nang makabalik ako ay ginawa ko ang lahat para hanapin ang aking dalawang kapatid. Hindi naman ako nabigo dahil natagpuan ko ang isa sa kanila.

Kapag dumating ang tamang panahon muli ko silang hahanapin. Tatapusin ko lang ang isa sa mga responsibilidad ko, ang tulungan ang Purebloods lalong lalo na si James.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon