Chapter 12- Dylan's World

5.9K 189 19
                                    

Author's Note: This chapter is more on Erin and Dylan Scene.




James POV



"san ba natin hahanapin sila Princess Julia?" tanong sa akin ni Kurt.


Hinahanap namin sila Julia pero kahit saan kami tumungo hindi namin sila matagpuan. Gustong gusto ko na silang makita. Gusto kong malaman kung pati ba sakanila may nag bago, tulad ko.


"tara, may pupuntahan muna tayo." tumungo kaming dalawa sa Waldorf Academy. Hanggang ngayon patuloy pa rin sila sa pag iimbistiga. Patuloy nilang inaalam ang tungkol sa sikreto ng paaralang yan. At alam ko na may gulong mangyayari nanaman.


Nakakatawa lang dahil ilang tao akong nagtago sa paraalan na yan pero dito pa rin ang bagsak ko sa labas, sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging reaction ni Grandpa kapag nalaman niya ang tungkol sa nangyari? Alam ko na magigising pa siya ulit tulad ni mama at papa. At alam ko rin na magagalit siya sa akin. Bahala na.


I sighed. Maraming nangyari sa eskwelahan na yan. At kahit anong pilit kong kalimutan ang mga 'yon, hindi ko magawa. At kapag naaalala ko ang mga 'yon, nasasaktan ako na naiinis sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito, pero diba sumuko na ako? Kakalimutan ko na siya.


Kakalimutan na kita Amanda.


"Excuse me?" napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may nagsalita sa harap ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at sa suot niya pa lang, halata na isa siyang pulis o detective. Tumingin ako sa kanya, "may kailangan ba kayo?"


"Wala. Let's go Kurt."


"Sandali lang." napahinto kami. Tumungo sa harap namin yung detective, "ako nga pala si Detective Clyde Navarro. Estudyante ba kayo sa paaralang yan?" hindi ako naka imik. Ramdam ko na nakatingin sa akin si Kurt pero hindi pa rin ako umimik, "Ah, kung may alam kayo tawagan niyo lang ako." may inabot siya sa akin, "that's my calling card. Tawagan niyo ako kapag may narinig kayong James Waldorf na pangalan." kumunot ang noo ko. Nakatingin lang ako sa hawak niyang calling card at hindi ito kinuha.


"We don't need that." I said at nilagpasan lang siya.


Hinabol ako ni Kurt.


"Prince James, anong nangyayari? Bakit hinahanap ka nila?" tanong niya sa akin.


"Gugulo nanaman ang lahat."


"Ano?"


"Umuwi na tayo. Bukas nalang natin sila hanapin."



Erin's POV


Inunat ko ang katawan ko at ilang beses akong humikab. Umaga na! Tumayo ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Paglabas ko napahinto ako sa tapat ng kwarto ni James. Lumapit ako sa pintuan at itinapat ang tenga ko dito. Masyadong tahimik. Tulog pa kaya siya? Hinawakan ko ang doorknob para buksan ang pintuan. Sisilipin ko lang naman kung ano ang itsura ni James kapag natutulog. Haha

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon