Chapter 6- Relationship

9K 253 16
                                    

Dylan's POV

Idinilat ko ang mga mata ko.

Takte. Nakatulog ako.

Tumayo ako mula sa kama ko at dumeretso na sa banyo. Mabuti nalang at nagising ako kundi hindi ako makakapunta sa resto bar na tinutukoy ni Azi sa akin. Hindi pa naman nabubuo ang araw ko kapag hindi ako nakakapag bar o club. Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nag bihis at isinuot ang kalo at black sunglasess ko.

*Bar

6:30 na pero ang dami ng tao agad. Nasa tapat na ako ng bar, the Bullwinkle Resto Bar. Ipinark ko na ang kotse ko at kahit nandito ako sa may parking lot, nakikta ko ang napakadaming tao na pumapasok sa loob. Pagkatapos kong ipark ang kotse ko, bumaba na ako at dumeretso sa entrance ng bar.

Wow.

As in wow.

Bihira lang akong pumunta sa mga bar dahil mas gusto kong pumunta sa mga clubs. Pero sa lahat ng napuntahan kong bar, ito ang pinaka maganda. Talaga ngang magaling na businesswoman si Azi pati ang kapatid niya.

Made of glass lahat ng gamit. The chairs, tables even the bar counter kung saan umoorder ng drinks. Tapos ang ilaw naman ay pinag halong blue, white at violet. So classic. And then the drinks, ang dami at ibat ibang klase. Wow. This is going to be fun.

Naglakad ako papunta sa bar counter at umupo sa isang stool chair.

"One bottle of tequila please." sabi ko sa bartender. Tumango lang ito.

Hindi pa rin mawala ang tingin ko sa buong bar. Ang ganda talaga dito. Sa tingin ko magiging suki na ako ng bar na ito. Ngayon ko lang din napagtanto ang isang maliit na stage sa dulo ng bar. At doon nakaupo ang isang malungkot na babae na may hawak hawak na gitara. Napatitig ako sa kanya, umiiyak siya? Aba! Broken Hearted?

"Sir here is your tequila. Enjoy sir." I just smiled. Kinuha ko ang baso ng tequila at nagsimulang inumin ito. Pero habang umiinom ako hindi ko maialis ang tingin ko dun sa babae. Actually isang banda sila. Nasa tabi niya ang isang matangkad na lalaki. Pareho silang nakaupo. May tatlong babae pa silang kasama at may isang lalaki which is yung drummer nila. Yung dalawang babae ay guitarist nila at yung isa naman ang pianist.

Inom pa rin ako ng inom. Napansin ko na siniko nung lalaki yung babae na umiiyak. May binulong siya dito at maya maya pa ay pinunasan ng babae ang mga luha sa pisngi niya at bigla nalang tumugtog.

Play the music here-->

Unang kumanta ang lalaki. Ayos naman ang boses niya at halatang matagal ng kumakanta. Sunod naman ay yung babaeng umiiyak. Hindi ko alam kung bakit pero natulala nalang ako sa sobrang ganda ng boses niya. Tamang tama lang yung boses niya. Basta ang ganda. Babaeng babae talaga ang boses niya. Kahit na yung lalaki ang may maraming linya sa babaeng yun lang ako tumitingin. Feel na feel niya ang kanta at parang may pinanghuhugutan talaga. Ano kayang problema nun?

"Type mo?"

"Ay hugot!" halos mabitawan ko na ang basong hawak. Takte hilig manggulat 'tong tao na to ha! Sino ba to?! Nilingon ko siya, "Cj Mendez?! What the hell are you doing here?!"

"I should be the one asking that question. What are you doing here?"

"Bakit masama ba? I know the owner of this bar. And you? what are you doing here?"

"I'm the business partner of the owner of this bar. May tanong ka pa ba?" napaubo ako sa sinabi niya. Nakakabwiset pala ang ugali ng lalaking 'to. Mahangin din siya. Uminom nalang ako ng isa pang shot ng tequila at hindi na siya pinansin pa, "So let me ask you again, type mo ba ang babaeng 'yon?" kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam ko na ang babaeng tinutukoy niya ay yung babaeng kumakanta.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon