Chapter 5- Move Away

8.2K 248 38
                                    

Erin's POV

Tahimik lang akong naka tayo sa tapat ng pinto ng kwarto ni James. Tinitignan ko lang siyang mag impake ng mga damit niya (na ibinili ko lahat para sa kanya) habang tinutulungan naman siya nung Kurt Kenley na kaibigan niya raw.

So ganun? Loner nanaman ako dito sa pamamahay na 'to. Anong klaseng buhay ba kasi ang meron ako?! Laging nag'iisa, laging iniiwan. Sana naging tao nalang yung mga gitara ko para naman hindi ako nag-iisa dito sa bahay.

"Let's go Kurt." Nang marinig kong magsalita si James saka lang nagising ang diwa ko. Napatingin ako sa kanya at ready to go na nga talaga silang dalawa ng kasama niya.

"Erin." tawag niya sa akin.

"Talaga bang aalis ka na? Hindi ka na ba magpapakita sa akin? O bumisita man lang dito?"

"I can't promise anything to you Erin. But there is one thing that I really want to tell you.." ngumiti siya. Wow. Ito ata ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti, "Thank you for everything. Thank you dahil pinatuloy mo ako dito sa pamamahay mo at inalagaan. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, babalik ako at babayaran kita." tinapik nya ang balikat ko.

Napayuko ako.

Bakit ba sobra sobrang lungkot itong nararamdaman ko sa pag'alis ni James? Eh hindi rin naman gaano kalapit ang loob namin sa isa't isa. Grabe Erin, parang hindi ka na nasanay na laging iniiwan sa ere.

Bago pa man makalabas ng gate sila James, hinabol ko sila.

"Sandali lang!" napatigil sila at lumingon sa akin, ngumiti ako "Mag-iingat kayo." sabi ko.

Ngumiti ng tipid si James pati na rin ang lalaking kasama niya, "Ikaw rin. Goodbye Erin."

Tumango lang ako at tuluyan na nga talaga silang umalis. Napabuntong hininga ako at bumalik na sa kwarto ko. Napaupo ako sa kama ko. Eto nanaman Erin, nag-iisa ka nanaman.

*ring!ring!*

Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag niya.

"Hello? Napatawag--"

"At the Bullwinkle Bar, 6pm. We need to talk."

Call ended.

Magsasalita pa sana ako kaso agad niyang inend ang call.

Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ano kaya ang pag-uusapan namin?

Dylan's POV

"Dylan, we need to talk!" Sigaw ni Manager Alex.

"Ano ba!" padabog kong tanong.

"The CEO, gusto kang makausap."

"I don't care. If this is about the renewal of my contract, thank you nalang." isinuot ko na ang itim kong sumbrero at ang sunglasses ko.

"No Dylan, this is about Cj Mendez."

Kumunot ang noo ko, "What's with him?"

"He wanted to collaborate with you. For his new music video."

Natawa ako, "with me? Haha. Nababaliw na ba siya?" magsasalita sana si Manager pero inunahan ko na siya, "look manager, kung gagamitin nyo lang naman si Cj Mendez para hindi na ako umalis sa Showbiz Industry, mas mabuting wag na. Dahil kahit ano pa ang gawin niyo hinding hindi na magbabago ang desisyon ko." hindi ko na siya pinakinggan pa at agad kong isinuot ang headset at umalis na agad.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon