Chapter 38- Unexpected

3.1K 139 50
                                    

Miranda's POV



"May kakaiba ba kayong nararamdaman ngayon?" tanong ko sa aking mga tauhan. Tumango naman silang lahat bilang sagot sa tanong ko.


Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Para bang may hindi magandang mangyayari.  Kakaiba ang ihip ng hangin, maging ang langit ay bigla nalang nandilim. Hindi ko maintindihan pero kinabahan ako bigla.


"Kamahalan, dumating na ho si Gilbert Lazaro." wika ni Hector. Napangiti ako. Malapit na, malapit na ang katapusan niyo Waldorf Family lalong lalo na ng Transylvania. Si Gilbert Lazaro nalang ang alas ko at alam ko na siya lamang ang makakatulong sa akin laban sa kanila. Alam ko na matindi ang galit niya sa mga bampira lalo na sa Waldorf tulad ko. At kung hindi dahil sa puppet kong si Emma Garcia na dating matalik ni Amanda Lazaro, hindi ko makakaharap ang ama niya.


Lumabas na kami ng mga kasama ko sa Waldorf Academy. Wala na kami ibang lugar na alam kaya dito nalang sa eskwelahan na ito. Pag labas namin nakita namin ang isang kotse sa tapat ng isang puno malapit dito. Tinignan namin ang paligid para maka siguro na walang ibang makaka'kita sa amin. Una akong lumapit sa kotse at ilang saglit pa ay lumabas ang isang lalaki---si Gilbert Lazaro. 


"Ikaw ba si Miranda?" agad niyang tanong. Tumango ako kasabay ang pag ngisi ko. "Anong kailangan niyo?" napansin ko ang kulay puting tela na naka balot sa may bandang dibdib niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya?


"Nandito ako para makipag sunduan sayo." kumunot ang noo niya. "Hindi ba't isa kang Vampire Hunter? At ikaw din ang ama ni Amanda Lazaro, ang pureblood princess ngayon." 


"Diretsuhin niyo na ako. Marami pa akong gagawin."


"Gusto namin makipag sundo sa'yo laban sa Waldorf Family at ng mga taga Transylvania."


"Sandali, alam mo ba kung nasaan si Amanda ngayon?" tanong niya. Wala nga talaga siyang kaalam alam kung nasaan ang kanyang nag-iisang anak.


"Nasa Transylvania siya kasama ang ibang Royalties." nakita ko ang pag yukom ng mga kamay niya. "Nandodoon silang lahat. Kumpletong kumpleto." sabi ko habang naka ngisi. Natahimik lang si Gilbert at para bang ang lalim ng kanyang iniisip. 


"May itatanong ako sa'yo." seryosong sambit nito. "Buntis ba si Amanda? Sino ang naka buntis sa kanya? Isa bang bampira?" sunod sunod na tanong nito.


"Hindi mo ba alam?" kumunot ang noo niya, "Kasal si Amanda kay James Waldorf. Pero.. hindi ko alam kung buntis ba talaga ang anak mo." pansin ko na mas tumindi pa ang galit ni Gilbert na siyang ikinatuwa ko ng husto. "Oh ano, papayag ka ba na makipag sundo sa amin?" tanong ko. Tinignan niya lang ako ng seryoso kaya bigla ko inabot ang kamay ko sa kanya. Halata sa mukha niya na sobrang siyang nairita at nagalit sa mga nalaman niya. Pero ilang saglit pa ay nakipag kamay rin siya sa akin.


Ibig sabihin, kakampi ko na siya.


Erin's POV


Tahimik lang ako habang naka upo dito sa sala hawak hawak ang baso ng kape ko. Wala akong gig ngayong araw kaya wala akong ibang gagawin kundi ang tumunganga dito sa bahay. Kanina pa ako naka tulala at hindi man lang pinapansin ang tv na nasa harap ko. Naalala ko lang kasi si CJ. Hindi ko akalain na pagkatapos ng lahat ng nangyari muli ko siyang makikita. Ibang iba siya sa Cj na nakilala ko. Bukod pa dyan, pumasok din sa isip ko si James. Nasaan na kaya siya? Posible kayang magkasama na silang magkakapatid ngayon? Siguro naman.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon