Chapter 27- Stay

6K 186 43
                                    

James POV

"Good Morning Prince James," pag gising ko si Lina na agad ang nakita ko, "Ang sabi ng doctor pwede ka na raw lumabas Prince James." natutuwang sabi niya.

Umupo ako at nilibot ang paningin ko.

"Si Amanda? Nasaan siya?"

"Nauna na siya sa Transylvania Prince James,"

Kumunot ang noo ko, "Sa Transylvania?"

"Ang sabi kasi ni Aurora doon na raw muna kaya manatili sa ngayon. Dahil ang daming nasira sa bahay niyo. Saka na raw kayo babalik kapag naayos na ang lahat."

"Mabuti kung ganun,"

Tinulungan ako ni Lina sa pag ayos ng mga gamit ko. Ang sabi niya nasa Transylvania na raw ang iba pang Royalties at nagpapahinga. Tulad ko, nanghihina pa rin sila hanggang ngayon. Dahil sinaksak si Raven hindi siya nakaka gamot at wala namang healing power ang ibang Royalties.

Maya maya pa ay lumabas na kami ng hospital at tumungo sa Transylvania.

Third Person's POV

Lumapit si Amanda kay Aurora. Nasa tabi sila ng makulay na ilog ng Transylvania. Umupo silang pareho at nag-usap.

"Bakit hindi mo sinamahan si James?" tanong ni Aurora kay Amanda.

Bumuntong hininga lang si Amanda at tumingala sa langit, "Bakit ba ganito?" napatingin si Aurora sa kanya, "Iniisip ko palang ang mga mangyayari hindi ko na kinaya, nasasaktan ako," napayuko si Amanda at bigla nalang tumulo ang mga luha niya. Lumapit si Aurora sa kanya at hinagod ang likod niya, "H-Hindi ko kaya Aurora! Hindi ko kaya!" humagulgol siya sa pag-iyak, "H-Hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa amin. H-Hindi ko na kaya!"

Niyakap siya ni Aurora, "Tama na Amanda. Pag subok lang ang lahat ng yan. Kaya niyo yan," sambit niya, "Hindi lang kayo ang nakaranas ng ganyan, kundi pati na rin si Master Victor," tumingin si Amanda sa kanya, "Alam mo ba na kinailangan niyang patayin ang asawa niya para sa lahi nila?" at dahil sa sinabi ni Aurora, agad na tumigil sa pag iyak si Amanda, "Noong una ayaw ni Master Victor, hndi niya kaya. Pero wala siyang nagawa dahil iyon ang naka saad sa propisiya. Tulad mo, dito sa gilid ng ilog na ito umiiyak siya noon," huminga ng malalim si Aurora, "Sobrang nasaktan si Master Victor pero wala siyang nagawa. Pinatay niya ang kanyang asawa dahil kapag hindi niya ginawa iyon tuluyan ng mawawala ang lahi ng mga bampira dito sa mundo na hinding hindi pwedeng mangyari. Pero lahat ng ginawang sakripisyo ni Master Victor ay may magandang kapalit, alam mo ba yon?" ngumiti si Aurora, "tulad niyo ni James, alam ko na kapag ginawa niyo ang tungkulin niya may mas magandang kapalit ito. Pagsubok lamang ang lahat Amanda. Mahal niyo ang isa't isa at alam ko na malalagpasan niyo ang lahat ng ito. Kinaya niyo ang una, ngayon pa kaya?"

Pinunasan ni Amanda ang mga luha na nasa kanyang pisngi, "K-Kailan ko ba siya papatayin Aurora? P-Parang ang hirap kasi."

"Kung kailan pwede na Amanda. Mahaba pa ang oras at marami pang araw na natitira kaya ngayon pa lang pahalagahan mo na ang bawat oras at araw na magkasama kayo. Huwag mo sasayangin ni isang segundo Amanda," tinapik ni Aurora ang balikat ni Amanda, "Mauna na ako Amanda, may kailangan pa akong gawin."

Tumango lang si Amanda saka iniwan na siya ni Aurora.

Napayuko si Amanda at muli, umiyak nanaman siya. Sobra sobra na ang nangyayari sa kanilang dalawa ni James at hindi niya alam kung hanggang saan ang kakayanin niya.

Raven's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin gumagaling ang sugat ko kaya hindi ko pa pupwedeng gamutin ang ibang Royalties pati na rin ang sarili ko. Alam ko na rin ang tungkol kay James, kaya pala ayaw niya na gamutin ko siya dahil ayaw niyang malaman namin ang tungkol sa pagiging normal na tao niya ulit. Hindi ko akalain na nangyari nga iyon sa kanya. Sinabi rin sa amin ni Blaze ang lahat lahat ng nalalaman niya tungkol sa nangyayari kay James ngayon. Si Julia naman halos hindi makapaniwala sa nangyari sa kuya niya.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon