Chapter 49- Unforgettable Love

2.8K 94 53
                                    

Detective Clyde's POV

"Detective Clyde Navarro," Pinakita ko ang id ko sa mga bodyguards ni Dylan upang makapasok ako sa loob ng private room nya dito sa hospital.

"Sige, pwede ka ng pumasok." Tumango ako at pumasok na, "sandali, di ka pwedeng pumasok." Napatingin ako kay Stella, oo nga pala isinama ko sya sa pag imbestiga.

"Kasama ko siya. She's my parter kaya papasukin nyo siya." Sabi ko. Wala namang nagawa ang mga ito at sabay na kaming pumasok ni Stella.

Pagpasok namin nakita namin ang walang malay na si Dylan Glamour. May bandage siya sa kanyang ulo, paa, at binti. Talaga ngang critical ang condition niya.

"Goodmorning Detective." Sumalubong sa akin ang kanyang Manager, "please gawin niyo ang lahat para malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari kay Dylan."

"Nasaan ba ang kotse niya ngayon?"

"Nasa bahay ng CEO niya. Iju-junk na sana namin iyon ngunit may nakapag sabi sa amin na may detective raw na mag iimbestiga sakanya."

"San ba siya na disgrasya?"

"Nasa 7th Street. Sa harap ng Crozie's Flower Shop.".

Inilista ko lahat ng mga sinabi niya saka nilapitan ko si Dylan. Tinignan ko ng maigi ang nangyari sa kanya hanggang sa napansin ko ang kabilang kamay niya. Hinawakan ko ito at tinignan index finger niya.

"May suot ba siyang sing sing bago mangyari ang insidente?" Tanong ko sa kanyang manager.

"Hindi ko napansin eh. Bakit?"

"Look," lumapit siya at tinignan ang index finger ni Dylan, "may markang naiwan sa daliri niya. Mark ng singsing. At pakiramdam ko parang pilit na tinanggal ang singsing sakanya dahil nagka sugat ito."

"Dylan, we need to talk." Biglaang sabi ni Stella.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko.

"Basta." Naunang lumabas si Stella kaya sinundan ko siya. Nagpaalam muna ako sa manager ni Dylan at sinabing babalik din ako.

"Stella, anong problema?" Tanong ko sakanya. Parang naguguluhan siya na ewan.

"Detective Clyde, may iba pa bang paraan para makita natin ang totoong nangyari sa Dylan na yan? Iba ang kutob ko eh."

"Ibang paraan?" Napaisip ako. Tama, CCTV! "let's check the CCTV kung saan nadisgrasya si Dylan."

"Sige."

Nauna nanaman umalis si Stella. Sandali, anong problema nun? Bakit nagmamadali siya? May alam kaya siya? Ahay. Wala na akong choice. Kailangan naming pumunta sa lugar na 'yon, alam kong matutulungan ako ni Stella dahil mukhang may alam siya sa mga nangyayari.

Ilang minuto lang ang biyahe papuntang 7th Street kaya nakarating kami agad. Nakita ko agad ang isang CCTV camera mula sa isang flower shop na tinutukoy ng manager ni Dylan. May cctv rin sa katabing restaurant nito.

Pumasok na kami ni Stella sa loob at nagtanong. Pinakita agad sa amin ang nakuha ng CCTV nung araw na nadisgrasya si Dylan. Napatingin ako kay Stella, seryosong seryoso siya. Dinaig niya pa ako ah.

"Wait, pwede mo bang ireplay sa part na 'to." Request niya. Napatingin ako sa monitor. Nakita ko sa video ang pagka bangga ni Dylan sa isang truck. Mukhang hindi naman talaga siya pinatay or what. Talagang naaksidente siya. Ibinalik ko ang atensyon ko sa monitor at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Sandali. Paki replay nga" pagka replay ng video napatingin kami ni Stella sa isat isa nang may makita kaming taong naka itim na lumapit sa kotse ni Dylan, "paki pause nga at paki zoom in," sabi ko. Hindi klaro ang mukha ng taong iyon. Mahaba ang suot niyang itim na damit at natatakpan ang kanyng mukha. Nakita rin namin sa video na may tinanggal siya sa isa sa mga daliri ni Dylan, at kung di ako nagkakamali iyon ay ang singsing nito. Bakit niya kinuha ang singsing? Anong klaseng singsing ba 'yon? At sino ang lalaking naka itim na yan? Bakit mukhang alam niya na maaaksidente si Dylan sa lugar na yan.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon