Chapter 31- Danger

5.5K 154 53
                                    

Clyde's POV


Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay naka tali pa rin ako sa upuan. Ilang araw na akong walang kain at talagang nanghihina na ang buong katawan ko. Muntik na akong matumba ng makita ko ang katawan ni Rebecca sa harap, di kalayuan dito sa puwesto ko. Nakahiga siya sa kulay pula kama, kulay puting bestida ang kanyang suot, halatang inayusan pa siya.


Biglang dumating si kuya pati na rin ang mga Young Vampire Hunters na lagi niyang kasama. At sa kanilang likuran, naka sunod ang isang magandang babae. Matangkad, maputi, nakakabighani ang mga mata at may mapupulang pisngi. She's very beautiful. Pero, bakit naka tali ang mga kamay niya? At isa pa, gulat na gulat ang babaeng 'yon ng makita niya si Rebecca.


"a-anong ginawa mo sa kanya?" tanong ng babae. Magkakilala ba sila ni Rebecca?


"Patay na siya." sagot ni kuya.


"Pinatay mo siya!" sigaw ko. Napatingin silang lahat sa akin, "Sino ang babaeng yan, kuya? May bago ka nanaman bang pag-iinitan?" Lumapit sa akin si kuya at mariin na hinawakan ang panga ko. 


"Huwag kang mangengealam dito, Clyde!" sigaw niya.


"K-Kapatid mo ang lalaking yan?" tanong nung babae. Binitawan naman ako ni kuya at lumapit siya sa babae "bakit mo ginagawa iyan sa kapatid mo? Bakit pati siya?"


Ngumisi si kuya. Nababaliw na talaga siya. "Kung makapag salita ka parang hindi mo tinraydor ang kapatid mong si Josephine, Stella." Josephine? Kapatid ng babaeng iyan si Josephine? Ibig sabihin bampira siya. Anong ginagawa niya rito? Paano siya napunta rito? 


Hindi naka imik si Stella, "Oh, bat natahimik ka?" tanong ni kuya.


"malala ka na, Gilbert." sambit niya. Natawa ako ng mahina sa naging sagot ni Stella. Tama nga siya, malala na ang kapatid ko. Nasisiraan na siya ng ulo. 


"Wala akong panahon para makipag talo sa'yo, Stella Black." lumapit si kuya kay Rebecca at umupo sa gilid ng kama malapit sa mukha nito. Hinawi niya ang buhok ni Rebecca, "gusto kong gawin mong bampira si Rebecca tulad ng ginawa ni Josephine noon sa anak kong si Amanda." nagulat ako pati na rin si Stella sa sinabi niya. 


"Nasisiraan ka na ba ng ulo kuya?!!" sigaw ko sa kanya. Napansin kong sinensayan niya ang mga hunters. Lumapit ang isa sa mga ito at tinakpan ang bibig ko gamit ang packing tape. Shit!


"hindi ko magagawa ang inuutos mo Gilbert." aalis na sana si Stella pero pinigilan siya ng mga hunters na naka bantay sa kanya.


"Aminin mo nga saakin Stella, alam mo ba kung nasaan si Carlo? Ha?!" tumayo si kuya at muling lumapit kay Stella. "May alam ka ba?!"


"Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Bakit ba sabik na sabik kang patayin ang anak ni William at Rebecca ha?!" 


"Dahil bunga siya ng panloloko sa akin ni Rebecca! At dahil hindi sinunod ni Rebecca ang iniutos ko sa kanya noon na patayin si Josephine!" Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ni kuya. Dahil lang sa sarili niyang kagustuhan kaya siya nagkakaganyan, kaya gustong gusto niyang patayin si Carlo. Sana naman itago ng mabuti ni Karlie si Carlo, ngayon pa na nasa panganib ang buhay niya. Hindi ako papayag na madamay pa ang batang iyon sa kagaguhan ni kuya Gilbert. Nangako ako kay Rebecca, ako ang bahala kaya dapat maka takas na ako dito ngayon. Kailangan kong hanapin si Amanda at ipaalam sa kanya ang lahat ng katarantaduhang ginawa ng ama niya noon hanggang ngayon. Kailangan ko siyang kumbinsihin na patayin si kuya-- ang sarili niyang ama. Kahit kapatid ko pa siya kuya Gilbert, wala na akong magagawa. Napaka demonyo niya at kapag walang makakapag pigil sa lahat ng mga pinanggagawa niya, maraming madadamay-- TAO man o BAMPIRA.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon