Chapter 13- Heartache

5.9K 191 25
                                    

Erin's POV


"and yes, she's my girlfriend."


Agad na nanlaki ang mga mata ko.


At dahil sa pagkagulat nalunok ko ang chewing gum na kanina ko pa nginunguya. WAAAAAAAAA!!!!


Hindi na ako nagdalawang isip pa at inagaw ko bigla kay Dylan ang mic na hawak hawak niya.


"Naku naku! Hindi po! Nagkakamali po kayo. Hindi niya po—" inagaw naman sa akin ni Dylan ang mic. Ano ba to!


"Haha. Nahihiya lang siya." tumingin siya sa akin, "stay still." bulong niya.


"ano ba kasi ang nangyayari?" bulong ko rin sa kanya.


"I'll explain to you later." muli siyang tumingin sa mga audience at ngumiti, "Request ko lang po sa lahat please give us some privacy. No more stalking, no more paparazzi and no more questions. That's all. Thank you." inakbayan niya ako, "ngumiti ka sa kanila"


"a-ano? Sa lagay kong ito sa tingin mo kaya kong ngumiti sa harap ng mga yan?"


"Fake lang para matapos na to. Bilis!"


"Aish!!!" panrereklamo ko. Dahil sa wala na akong choice at dahil gustong gusto ko ng umalis sa stage na ito, sinunod ko ang sinabi ni Dylan. Naiinis na rin ako sa bawat flash ng camera nila, ang sakit sa mata!


Tumingin na ako sa mga audience at binigyan sila ng napakalaking fake smile.


"Good. Let's go." bulong ni Dylan.


Bumuntong hininga ako tatalikod na sana sa mga audience ng biglang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki. Anong ginagawa niya dito? Paano siya nakapunta dito?


"J-James?"


Anong ginagawa niya dito?


"Tara na." hinila ni Dylan ang isang kamay ko at dinala na sa backstage.


Hindi ko alam kung namimilik mata ba ako o hindi. Pero si James yun eh! Kitang kita ng dalawa kong mata. Nababaliw na ba ako?


"Thank you." Dahil ba 'to kakaisip ko sa kanya kaya pati siya nakikita ko na kung saan? "Hey, ayos ka lang ba?"


"O-oo. A-ayos lang ako." Kinurot ko ang sarili ko.


"I see. Uhm, dadaan muna tayo sa condominium ko bago kita ihatid sa bahay niyo." sabi niya pa.


Ano ba kasi talagang meron?! Wala akong kaalam alam!


The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon