Chapter 55 - Pureblood Twins

739 28 4
                                    

Third Person's POV

Ilang araw na ang lumipas na hindi ginugulo ng mga taga Cransylvania or ni Gilbert ang Royalties. Nalaman din nila Amanda ang nangyari sa tito niyang si Clyde kaya madalas din nilang dalawin ito kaso naging mahirap nga lang dahil kailangan pa nilang mag disguise dahil kilala sila ng mga pulis na kasamahan ni Clyde dahil sa litratong pinakita noon ni Emma. Pero dahil sa tulong ni Paul---matalik na kaibigan ni Clyde medjo naging madali ang pagbisita nila. Kilala ni Paul sila Amanda dahil sinabi naman ni Clyde ang lahat dito at alam nya rin na pamangkin ni Clyde si Amanda. Sa ngayon ay comatose si Clyde kaya hindi nila alam ang buong detalye sa nangyari dito. Pagdating ng mga pulis at ambulansya noong araw na 'yon, naka handusay na si Clyde at halatang pinalo sya ng malakas sa kanyang ulo dahilan ng pagka comatose nya ngayon.

Kasakuluyan namang binista nila James at Amanda si Clyde.

"Mabuti naman at nakarating kayo. May ibibigay sana ako sainyo." Sabi ng kaibigan ni Clyde na si Paul na siyang taga bantay dito. Inabot niya ang isang bag kay Amanda, "Nasa loob ng bag na yan ang laptop at lahat ng impormasyon tungkol sa kaso ng Waldorf Academy pati na rin ni Dylan Glamour."

Kumunot naman ang noo ni Amanda at kinuha ang bag, "bakit mo binibigay sa amin to? Kay tito to eh."

"Baka sakaling may kailangan kayong idagdag at ibawas sa mga impormasyong nandyan." Napatingin si Paul sa kanyang kaibigan na hanggang ngayon ay wala pa ring malay, "tama nga si Clyde, mabubuti kayo at alam kong gusto niyo linisin ang mga pangalan ninyo at ipagtanggol ang lahi ninyo. Balak ko na ring isarado ang kasong yan para matapos na ang lahat. Pero....." napahinto sa pagsasalita si Paul at tinignan ng seryoso sila Amanda at James, "ang kaso ni Dylan Glamour, baka pwede kayong makatulong kung bakit siya nawala, sinong kumuha sakanya at kung sinong dahilan ng pagkadisgrasya nya noon. Palagi kasing sinasabi ni Clyde na baka may alam kayo at may koneksyon to sainyo." Nagkatinginan sila James at Amanda at mahigpit namang napahawak si Amanda sa bag ng kanyang tito, "sana sa paggising ni Clyde, may sagot na sa lahat ng katanungan niya."

Simula nang saksakin si Clyde wala na silang naging balita tungkol kay Dylan. Ginawa na nila ang lahat at hinanap kung saan si Dylan pero hindi nila ito matagpuan. Nabalitaan din nila mula sa manager nito na matagal nang may kakaiba kay Dylan at nagwala na rin ito noon sa pamamahay nya. Naapektuhan na rin ang career nito at halos lahat ng tao ang akala sakanya ay nasiraan na ng bait at patay na.

"Sino kayang may gawa 'non kay tito?" Habang naglalakad palabas ng hospital si Amanda at James ay hindi maiwasang mapaisip ni Amanda.

"Hindi ko rin alam. Kailangan na nating bumalik sa bahay ni Jade para makita ang laman ng bag na yan." Tumango naman si Amanda at hinawakan namn ni James ang kamay niya. "Gusto mo bang pumunta sa paborito mong playground noon?" Tanong ni James.

"Sigurado ka ba James? Baka may maka kita sa atin."

"Don't worry Amanda. I'm here." Wala namang nagawa si Amanda kundi ang pumayag nalang. Matagal tagal na rin silang hindi nakakapasyal sa paborito niyang playground. Pagdating nila sa playground ay agad silang umupo sa may swing at muling inalala ang lahat.

"Amanda..." biglang tawag ni James sa asawa niya.

"Hmm?"

"Did you regret being a vampire?" Nabigla si Amanda sa naging tanong nito. "Na dahil sa pagiging bampira mo kalaban na natin ngayon ang papa mo at ang mama mo ay naiwan sa Transylvania at hinihintay kung tumalab ba ang kagat sakanya ni Mama." Hinawakan ni James ang kamay ni Amanda at hinaplos ang pisngi nito, "Nagsisi ka ba na ako ang naging asawa mo?"

"Hindi James, ano bang klaseng tanong yan?" Tumawa si Amanda, "bat ako magsisisi eh yung Kuya James na gusto ko noon eh asawa ko na ngayon, diba?" Napangiti naman si James kaya hinawakan din siya ni Amanda sa pisngi niya, "Hindi ako nagsisi na naging bampira ako. Konting lungkot siguro dahil hindi ko na mararanasan ang pagiging isang normal. Pero masaya ako, kasi nagkaroon na tayo ng anak at magiging bampira na din si mama kung sakaling tumalab pa ang kagat ng mama mo kahit na hawak pa ni Miranda lahat ng kapangyarihan niya."

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon