Chapter 7-Him

7.7K 235 36
                                    

Erin's POV


"Sige uwi na ako guys." paalam ko sa mga kabanda ko na sila Gab. Tumango lang sila kaya umalis na ako agad sa resto bar.


Tahimik lang akong naglalakad habang naka kabit sa likod ko ang gitara ko. Tumungo na ako sa may parking lot. Sasakay na sana ako sa kotse ko ng biglang may humarang sa harap ko. Halos hindi ako makapag salita ng makilala ko ang taong 'yon. Nanlaki ang mga mata ko,


"D-Dylan Glamour? A-Anong—"


"Ssh." inilagay niya ang index finger niya sa bibig ko. Napatitig ako sa kanya. Hala, lasing na lasing siya. Baka may maka kita sa kanya dito na naglalasing siya lalong lalo na na kasama ako. Patay ang tahimik na buhay ko nito, "You look so nice talaga." natatawa niyang sabi. Lasing na nga talaga siya, "What's your name?" tanong niya.


"Lasing ka po Dylan."


"Po? Ang bata ko pa eh! Hahaha." hindi ako mapalagay habang nililibot ang paningin ko, "so what's your name miss?"


"A-Ano—"


"LET'S GO." bago ko pa banggitin kay Dylan ang pangalan ko biglang may humatak na sa akin at agad akong pinasuot ng jacket at itim na kalo. Isinakay ako nito sa kotse niya.


"Sino ka ba?!" tinanggal ko ang kalo at tumingin sa taong humatak sa akin. Nang makita ko siya para bang umatras ang dila ko at hindi na ako makapagsalita.


"May paparazzi na kumukuha ng litrato sa inyo ni Dylan. At sigurado ako bukas na bukas kakalat na ang litratong 'yon."


"C-Cj.."


"Iuuwi na kita sa inyo." sabi niya habang seryosong nag mamaneho, "Ipagdasal mo lang na sana hindi gugulo ang tahimik mong buhay bukas."


"Magulo naman talaga ang buhay ko eh." napayuko ako, "B-Bakit ka pa dumating kanina? Diba wala ka ng pakealam?" biglang tumulo ang mga luha ko, "sana hinayaan mo nalang ako."


"I just.." huminga siya ng malalim, "Nevermind."


Hindi ko talaga maintindihan si Cj. Bakit pa ba siya nagbibigay ng motibo? Para ano? Para saktan nanaman ako? Para umasa?


"I'm sorry Erin.." napatingin ako sa kanya, "kung maging tayo rin naman wala ka ring mapapala. Magkaiba tayong dalawa. Hindi ako ang nararapat para sa'yo." biglang huminto ang kotse, nandito na kami sa labas ng bahay. Hindi na ako umimik sa sinabi niya at bumaba na ako agad ng kotse. Patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ko. Parang mamamatay na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.


Kahit kailan hindi niya ako kayang mahalin.


Narinig kong pinatakbo na niya ang kotse niya at umalis na.


Walang gana akong naglakad palapit sa gate ng bahay ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod ko. Shet, ano bang meron sa mga tao ngayon? Kanina si Dylan hinarangan ako, tapos si Cj hinatak nalang ako bigla. At ngayon may biglang yumakap naman sa akin. Sino ba ang unggoy na ito?!

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon