Chapter 30- Night to Remember

5K 137 16
                                    

Amanda's POV


Bigla akong napa bangon nang may naramadaman akong kakaiba. Kinabahan ako. Pakiramdam ko parang may nangyaring hindi maganda. Hindi ko lang alam kung kanino at kung saan.


Tinignan ko si James na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Inilagay ko ng maayos ang kumot sa kanya bago ako lumabas ng kwarto at tumungo sa gilid ng makulay na ilog ng Transylvania. Pagdating ko ay agad akong umupo sa ilalim ng isang puno na may makukulay na ilaw habang niyayakap ang mga tuhod ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko parang may masamang nangyayari?


"Ba't nandito ka pa?" agad akong napalingon sa nagsalita--si Jade.


"J-Jade." tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.


"Kamusta, Amanda?" tanong niya. Ewan ko ba pero parang ang awkward. Hindi na ako sanay makipag-usap sa kanya. Ang tagal na rin kasi eh at isa pa ang laki ng pinagbago niya. Mas lalong lumaki ang katawan niya, iba na ang kulay ng kanyang buhok at hindi na siya makulit tulad noon. 


"Ayos lang naman ako. Ikaw? Ba't nandito ka pa?" tanong ko at ibaling ang tingin ko sa ilog. 


"May naramdaman akong kakaiba," bigla akong napatingin sa kanya, "Pakiramdam ko may hindi magandang nangyari." dugtong pa niya.


"S-Sigurado ka ba?" tumango siya, "Jade, kasi--" bago ko pa man sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin biglang dumating si James. Naka tingin siya ng masama kay Jade. Lumapit siya at bigla nalang sinuntok si Jade na siyang ikinagulat ko. Magsisimula nanaman ba sila?! "James, ano ba! Tama na yan!" sinubukan ko siyang hilain palayo kay Jade. Oo nga pala, nawala ang iba sa mga kapangyarihan ko kaya hindi na ako gaano kalakas tulad noon. 


"Ano nanaman ba ang binabalak mo ha?!" sigaw ni James at sinuntok pa ng isang beses si Jade. Agad naman siyang tinulak ni Jade ng malakas kaya tumilapon siya sa lupa. 


"James!" tumakbo ako palapit kay James at inalalayan siya, "James, ano bang ginagawa mo?" tinulungan ko siyang tumayo. 


"Ano ba Amanda! Bakit ka ba nakikipag-usap sa lalaking yan ha?!" sigaw niya sabay turo kay Jade. 


"James, nag-uusap lang naman kami. At isa pa, kapatid ko siya. Bakit ka ba nagkakaganyan?" 


Napansin kong tumayo na rin si Jade. Kitang kita ko ang pasa sa kabilang pisngi niya pero ilang saglit pa ay nagulat nalang ako sa susunod na nangyari, gumaling ito. Kaya na ring pagalingin ni Jade ang sarili niya, may healing power na rin siya na bihira lang nakukuha ng ibang mga bampira. Tinignan ko si James at tulad ko, nagulat din siya. Napansin ko ang pag yukom ni James ng mga kamay niya.


"J-James, ayos ka lang ba?" hinawakan ko siya sa kabilang balikat niya pero bigla niyang tinabig ito at umalis siya. Nagulat ako sa ginawa niya. Bakit ba siya nagkakaganyan? Wala namang gagawin si Jade dahil kapatid ko siya. Kung kaya ko lang basahin ang mga nasa isip niya kanina ko pa ginawa, pero wala eh--pati ang kapangyarihan ko na mind reading, nawala.


Napayuko nalang ako at bumalik sa gilid ng ilog. Bakit ba kasi hindi pa sila magka'ayos ni Jade? Alam naman ni James na siya ang mahal ko at wala ng iba. Ano bang ikinakatakot niya? 

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon