Chapter 11- Wide Awake

5.5K 188 12
                                    

Dylan's POV



"Wala na ba sila? Umalis na ba?"


"Sandali lang, may lima pang natitira."


Kanina pa namin hinihintay ang pag alis ng mga reporters sa labas ng condo ko. Yung mga reporters naman sa labas nitong condo building umalis na. Sa ilang araw ba naman ng pagtatago ko dito sa loob eh hindi ba sila mapapagod kakahintay? Haha.


"Wala na sila Dylan. Let's go." Hay, mabuti naman.


Lumabas na kami ni Manager Alex ng condo unit ko at dumeretso sa parking lot.


"Ako na mag da-drive."


"Okay."


Sumakay na ako ng kotse at hinayaan si Manager Alex na mag maneho. Pupunta kami ngayon kay Mr.Ceo dahil kakausapin niya ako about sa issue naming tatlo ni Cj Mendez at nung babae na si Erin Gibson.


Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa tapat ng Cube's Building. Kompanya na nagpasikat sa akin. Unang bumaba ng kotse si Manager at inalalayan akong bumaba. Agad kaming pumasok sa loob ng building and....




here we go again.



"Dylan anong ginawa mo?!" sigaw ni Mr. CEO, Gomez sa akin.


"Nag bar." tipid kong sagot.


"BAR?! Niloloko mo ba ako? Can you please answer me seriously?!" siniko ako ni Manager at sinabing umayos daw ako, "Look Dylan, makinig ka."


"Nakikinig na nga." napakamot ako sa ulo ko. Kairita. Mabuti nalang at sanay na ako sakanya.


He sighed, "Tapusin mo na ang issue na ito." naka kunot-noo akong tumingin sa kanya, "just tell them na kasintahan mo ang babaeng yun. Bukas na bukas magkakaroon ng presscon para sayo."


"ANO?!!!!" Napatayo ako.


"At kapag sinabi mong girlfriend mo ang babaeng 'yon, magtataka ang lahat kung ano ang meron sakanilang dalawa ni Cj. Iisipin ng mga tao na mang-aagaw si Cj at kapag nangyari yon? Masisira ang pangalan niya."


"Bakit ba kailangan niyo pang gumamit ng ibang tao para lang makasira ng iba ha?! Kung yan lang naman pala ang binabalak niyo sana hindi ko nalan ni-renew ang kontrata ko sa inyo!"


"Eh kaya mo lang naman ni-renew ang kontrata mo because of that girl right?" tanong ni Mr.CEO.


"What are you talking about?!" sigaw ko.


The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon