Chapter 36- William

3.3K 109 14
                                    

Third Person's POV


"Waaaa! Ang gandaaaa!" sobrang namangha ang lahat ng ipatayo ang bagong palasyo sa Transylvania--- ang magiging palasyo ng Vampire Royalties kasama ang Vampire's Apprentice. 


"Nagustuhahan niyo ba, Royalties?" naka ngiting tanong ni Ramon.


"Oo naman, Ramon. Ang ganda!" sambit ni Raven.


Ilang linggo din inasikaso ang pagpapatayo ng bagong palasyo. Napadali ang pag gawa nito dahil sa pag tulong tulong bawat isa at lalo na sa tulong ng mga kapangyarihan nila. Isang gold and silver palace ang kanilang naitayo. Hindi naman gaanong malaki o maliit ito. Basta tamang tama lang sa Royalties at Apprentice. Tapos na rin ang kanilang plano laban sa mga taga Cransylvania at talagang pinaghandaan talaga nila iyon ng husto. Hinihintay nalang nila ang pag gising ni James Waldorf. Tungkol naman kay Amanda, ilang araw nalang at manganganak na siya. Wala pang eksaktong araw pero ang sabi ni Ramon, maaari anumang oras ay pwede na siyang manganak. Sobrang nanghihina na siya ngayon at hindi na niya kayang gumalaw. May mga araw na sobra sobrang pag sakit ng tiyan ang kanyang nararamdaman, pero dahil maraming nag babantay sa kanya, wala na siyang dapat pang ipag-alala. Kasama na rin ng mga taga Transylvania ang Manager ni Jade na si Karlie Cross. Okay naman, walang naging problema ang Transylvania matapos ang pag sugod nila Miranda noon. Pero hindi sila pwede maging kampante dahil alam nilang lahat na hindi pa tapos ang laban. 


"Nasaan nga pala si Prince William?" tanong ni Ramon. Natahimik ang lahat. "Kanina ko pa napansin na wala siya."


"Umalis siya, Ramon." sagot ni Raven. Napatingin ang lahat sa kanya. "Kailangan ko na atang ipaalam sa inyo kung nasaan si Prince William ngayon."


Lumapit si Julia sa kanya. "Bakit? Nasaan si Papa?" tanong nito. Tumingin si Raven kay Jade. At kahit ayaw ipaalam ni Jade, halata naman sa kanyang mukha ang pagtataka at pag aalala sa kanyang ama. "Raven, nasaan si papa?" tanong ulit ni Julia.


"Nasa Hunters Association siya." nagulat ang lahat sa sinabi ni Raven. "Ililigtas niya si Rebecca Lazaro, ang mama ni Jade at Amanda." kitang kita sa mukha ni Jade ang pagka gulat ng husto. "At mamaya, susunod ako sakanya. Kailangan niya ang tulong ko."


"Hindi pwede. Kailangan niya ang tulong nating lahat." matigas na pagkasabi ni Blaze. "Hindi basta basta ang Hunters, Raven. Lalo na ang Gilbert Lazaro na iyon."


"Patawad. Pero matagal nang naka plano si Prince William. At tanging ako lamang ang hiningian niya ng tulong dahil ayaw niyang may madamay pang iba." depensa ni Raven. Tumingin siya kay Jade. "Pero Jade, pwede kang tumulong." napatingin ang lahat kay Jade. Halatang badtrip ang mukha niya. "Inaasahan ka ng papa mo."


"Bat naman ako tutulong? Kaya niya na iyon." walang ka ganang ganang sabi niya. Tinignan lang siya ng masama ni Raven. "Huwag mo akong titignan ng ganyan."


"Papa mo pa rin siya Jade at mama mo pa rin si Rebecca Lazaro." naiinis na sabi ni Raven. "Pero kung iyan ang gusto mo wala na akong magagawa pa." Tinignan ni Raven ang lahat ng kanyang mga kasama. "Kailangan ko ng umalis." nag bow siya sa lahat at tuluyan ng umalis. 


Nakatingin lang ang lahat kay Raven hanggang sa tuluyan na nga siya maka alis sa Transylvania. Ano kaya ang mangyayari? Magiging maayos kaya ang pakikipag laban nila sa mga iyon--lalong lalo na kay Gilbert Lazaro? Iyan ang nasa isip ng lahat.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon