Chapter 14- Broken

5.6K 192 23
                                    

James POV


Ilang araw na.


Ilang araw na naming hinahanap sila Julia, Raven at ang iba pa pero kahit anong paghahanap ang gawin namin, hindi pa rin namin sila matagpuan. Pero kahit ganon, I'm not giving up. Alam ko na magkikita kita pa rin kami. At kapag nangyari 'yon gagawa kami ng paraan para makapunta sa Cransylvania para mailigtas si.. Uh no, pupunta kami sa Cransylvania para talunin ang kung sino man ang may pasimuno ng lahat ng ito.


"Prince James, bakit hindi natin subukan pumunta sa Waldorf Academy ngayon. Sigurado ako na wala ng nagbabantay na mga pulis doon dahil madaling araw na rin." suggestion ni Kurt, "baka sakaling magkita kita kayo doon." dugtong niya.


He has a point.


Baka sakaling nandodoon lang sila.


Naghanda na kaming dalawa para sa paghahanap. Sinuot ko ang itim na hoodie ko ganun din si Kurt. Lumabas na kami ng kwarto ng mapadaan ako sa kwarto ni Erin, "Prince James, check mo muna siya." nginuso ni Kurt ang pinto ng kwarto ni Erin. I nodded at binuksan ang kwarto ni Erin.


Pumasok na ako sa loob at tumungo sa tapat ng kama niya. I looked at her. Ewan ko ba kung bakit pero sa tuwing kasama ko siya unti unting gumagaan ang loob ko sa kanya. Matindi na ata ang epekto niya sa buhay ko. Ang laki ng naitulong niya sa akin. Ang laki ng pagbabagong nangyari sa akin simula nang dumating siya sa buhay ko. Hindi ako tanga o nagmamaang maangan, at alam ko kaya nangyayari ito dahil sa patuloy na pag epekto ng propisiya.


Nilagyan ko lang siya ng kumot bago umalis.


Third Person's POV


Tahimik na naglalakad sila James at Kurt pero hindi nila alam na may isang tao na sumusunod sa kanila. Isang tao na hindi nila kilala, pero kilalang kilala sila.


Pagdating nila James sa harap ng Waldorf Academy, napahinto sila pareho. Tinignan ni James ang sunog na sunog na na paaralang inalagaan ni Master Victor sa loob ng mahabang panahon. Hindi niya alam na mali pala ang naging desisyon niya. Hindi niya alam na mas lumala ang lahat ng dahil sa nangyari.


Napayuko siya, "Okay ka lang Prince James?" tanong sa kanya ni Kurt. Tumango siya bilang sagot saka pumasok sila sa loob. Hindi naman nadamay sa sunog ang gate ng Waldorf Academy. Ngunit may mga kadenang naka tali dito at mga signs na bawal pumasok sa loob dahil pinag iimbestigahan pa ito ng mga pulis. Sinira ni Kurt ang kadena bago sila naka pasok sa loob.


Nilibot ni James ang paningin niya.


Walang wala na nga talaga.


Tumungo sila sa dormitory, at tulad ng nangyari sa kabilang building wala na rin ito, nilamon na ng apoy.


"Nandito kaya sila?" tanong ni Kurt.


"Just stay here. Papasok lang ako sa dormitory building." sabi ni James.


"Ha? Pero delikado baka-" hindi na niya nagawang pigilan pa si James dahil agad itong tumungo sa dormitory building.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon