Chapter 35- Plans

3.6K 120 21
                                    

Erin's POV


"Wala naman si Cj dito ah." sabi ni Dylan habang nag lalakad kami papasok sa loob ng sunog na eskwelahan na 'to. Jusko, bat ko pa ba sinamahan ang unggoy na ito? Baka may maka kita nanaman sa aming dalawaaaa!


"Hindi pa nga natin nalilibot lahat eh. Masyado ka namang excited." sabi ko. 


Mas nauuna pa siyang mag lakad sa akin kaya ako parang buntot niya lang na laging naka sunod sa kanya. Excited nga talaga siya. Pero hindi ako sigurado kung talaga bang makikita namin si Cj dito. Pero malay mo.


"This school is really weird." sabi niya. Naka cross lang ang mga balikat ko habang naka kunot noong sumusunod sa kanya. "Parang nakapunta na ako dito dati eh." naka tingin lang ako sa kanya. Infairness naman sa akin at hindi ako natatakot na may kasamang isang bampira. Ang lakas na ng loob mo Erin ha. Sinundan ko si Dylan nang pumasok siya sa isang room. Napatingin ako sa itaas ng pinto.


Student Council Office..


Dahan dahan akong pumasok sa loob. Nakita ko ang iilang table sa loob. Hindi naman gaanong nasunog ang mga iyon. Lumapit ako sa isang table at doon nakita ko ang pangalan ni James at Jade or should I say ni CJ. 


"Raven, Kristoff, Julia.." pag basa ko sa ibang table na may mga pangalan din. Ibig sabihin ito ang opisina nila James at Cj noon. Grabe.


Nilibot ko ang paningin ko. Masyadong malaki ang opisina nila. At masyadong antique ang kanilang mga gamit. Kung hindi ako nagkakamali, pinaghahanap na sila ng mga pulis ngayon. Lalo na't nandirito sa opisina na 'to ang mga pangalan nila. Ano kaya ang nangyari sa eskwelahan na ito? Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Paano kayo nahiwalay sa kanila si James? Parang na curious ako bigla.


"Anong ginagawa niyo rito?" nagulat kaming pareho ni Dylan nang may marinig kaming boses ng isang babae. Sabay kaming napalingon sa kanya. Teka, si Manager Karlie?


"M-Manager Karlie?" may dala dala siyang backpack tapos naka itim na hoodie jacket siya. Inalis niya ang hoodie sa kanyang ulo


"Anong ginagawa niyo rito?" tumingin siya kay Dylan, "At bat kasama mo ang lalaking iyan?"


"Alam mo rin ba ang tunay na pagkatao ni Cj Mendez, Manager Karlie?" tanong ni Dylan.


Ngumisi si Manager, "At bakit mo tinatanong yan, Dylan?" 


Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa. "Ako na mag eexplain." bumuntong hininga ako at humarap kay Manager Karlie. Ilang beses pa ako napalunok dahil sa itsura niya. Para kasi siyang kakain ng tao. Galit na galit ang mukha niya. "M-Manager Karlie kasi ano, b-bampira din si Dylan tulad ni Cj." biglang kumunot ang noo niya. "At kailangan niya ang tulong ni Cj."


"Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo? Baka hinuli huli ka lang ng lalaking yan para masira si Cj!" sigaw ni Manager Karlie. Nagulat ako ng hawakan ako ni Dylan sa balikat ko at inilayo kay Manager. Shet, ba't biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko?


"Bampira ako Manager, tulad ng alaga mong si Cj. Hindi ko alam kung paano ako naging bampira tulad niya." hindi nagsasalita si Manager sapagkat naka tingin lang ito ng seryoso kay Dylan. "Look, all I need is Cj's help. Kailangan kong malaman kung paano hindi mahalata ng mga tao na isa akong bampira. Huwag kayong mag alala, sikreto nating pareho ito." dugtong ni Dylan.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon