Chapter 29- Return

5.5K 161 24
                                    

Third Person's POV


"Karlie, nasaan si Cj? Napahaba ata ang kanyang bakasyon ah?" tanong ng CEO habang naka dekwatro at naka cross ang mga balikat. "Ang sabi niya, one week lang. Pero nasaan na siya ngayon? Alam niya ba niya na bukas na bukas din magsisimula na ang taping niya?"


Yumuko si Karlie sa harap ng CEO, "I'm sorry sir. Kakausapin ko nalang po siya tungkol dyan."


"Dapat lang. Makakaalis ka na."


Napabuntong hininga si Manager Karlie pag labas niya ng opisina. Pumunta siya agad sa parking lot at sumakay ng kotse niya.


"Where the hell are you Cj?!" napa sapo sa noo si Karlie habang nagmamaneho siya. Naisipang niyang tawagan si Detective Clyde para humingi ng tulong pero hindi nito sinasagot ang tawag ni Karlie. Malakas ang kutob ni Manager Karlie na may ginawa nanaman si Cj na hindi niya alam.


Kailangan protektahan ni Karlie si Cj dahil iyon ang tungkulin niya.


Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang kotse kaya madali siyang nakarating sa police station kung saan nag tatrabaho si Detective Clyde. Pagdating niya sinalubong siya ng isa sa mga detective at tinanong kung anong kailangan niya.


"Sorry Miss, pero wala po si Detective Clyde. Ilang araw na siyang hindi pumapasok."


Nanlaki ang mga mata ni Karlie, "W-What? Sigurado ka ba sinasabi mo?" tumango ang detective, "Can you give me his address? Kailangan ko talaga siyang makausap."


"Sorry miss, pero hindi kami basta basta nagbibigay ng information." napakagat sa labi si Karlie ng dahil sa inis. Kaya mas pinili niyang umalis nalang sa police station. Bumalik siya sa kanyang kotse at doon nag-isip isip. Ilang araw ng hindi pumapasok sa trabaho si Detective Clyde, ano kaya ang nangyari sa kanya?


Habang malalim na nag-iisip si Karlie, biglang may bumaril sa salamin ng kanyang kotse. Napatingin siya sa taong may gawa non at nagulat siya ng makilala kung sino o ano ito-- isang vampire hunter. At dahil doon mabilis pinaandar ang kanyang at mabilis na pinatakbo ito ngunit, biglang tumalon ang taong 'yon at pumunta sa itaas ng kanyang kotse. Hindi makapag concentrate sa pagmamaneho si Karlie lalo na't may kalaban sa taas ng kanyang kotse. Nagulat nalang siya ng makita ito sa bintana ng pinto ng driver's seat at malakas na sinuntok ang salamin. Dahil doon biglang nagpa gewang gewang ang takbo ng sasakyan.


"Aaaaaaah!" napa sigaw si Karlie ng hilain siya ng kalaban at mahigpit na hinawakan ang kanyang leeg. Kahit nahihirapan, pilit na inaabot ni Karlie ang storage compartment para kunin sa loob ang baril na nakatago roon. Nahihirapan siyang abutin ito lalo pa't nasa kabilang side ito at ginagamit niya pa sa pagmamaneho ang kabilang kamay niya. Mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng kotse para mahulog ang kalaban pero talagang malakas ang kapit nito. Naramdam niyang tumayo ang kalaban sa itaas ng kanyang kotse. Hindi niya alam kung anong binabalak nitong gawin. Ginamit na niya ang pagkakataon para kunin ang baril sa loob ng compartment.


Napangisi siya ng makuha ang baril pero nagulat nalang siya ng biglang barilin ng kalaban ang salamin sa likuran ng kanyang kotse at dahil doon tuluyan ng nakapasok ang kalaban sa loob ng kanyang kotse. Tinignan niya sa rear view mirror ang kalaban at ngumisi lang siya. Ilang saglit pa ay mabilis binuksan ni Karlie ang pinto sa driver's seat at bago pa sila mabangga sa isang tindahan, tumalon na siya agad.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon