Chapter 48- Untold Secret

2.1K 91 44
                                    

Third Person's POV

"Stella, pwede mo ba akong kwentuhan tuungkol sa mga bampira?" Tanong ni Detective Clyde dito.

Dahil sa kagustuhan ni Clyde na malaman ang lahat di na siya nakapag tiis at nag tanong na siya kay Stella. Pansamanta munang nananatili si Stella sa pamamahay ni Clyde ngayon. Balak na sanang samahan ni Stella si Clyde na pumunta sa Transylvania para makita na rin nito si Amanda pero biglang nagbago ang isip ni Stella---di niya pa kayang humarap sa Royalties, lalo na sa kanyang ate na si Josephine. Dahil sa malalim na pag iisip ni Stella di niya na napansin si Clyde

"Stella, okay ka lang ba?" Tanong ni Clyde. "Ang lalim ng iniisip mo ah."

"Ha?" Parang wala sa sariling tanong ni Stella. Nginitian lang siya si Clyde "anong klaseng ngiti ba yan?"

"Wala naman. Kanina pa kasi kita kinakausap pero mukhang lutang ka ata."

"pasensya na." Napailing si Stella, "ano ba ang gusto mong malaman?"

"Gusto kong malaman kung paano nagkaroon ng bampira dito sa mundo? Paano kayo naging purebloods? Ano ba ang nangyari 10 taon na ang nakalipas?"

Bumuntong hininga si Stella, "Dati kaming mga normal na 'tao sa nakaraang buhay namin. Namatay kami at pag gising namin bampira na kami. Hindi rin namin alam kung paano at di namin alam kung saan ba talaga nagmula ang lahi namin. Ang Waldorf ang itinuring na Pureblood Family dahil sila ang pinaka unang bampira na dumating dito sa mundo."

"Ibig sabihin tao kayo noon na naging bampira ngayon. Paano nangyari 'yon, ibig sabihin naaalala nyo pa ang mga nangyari noong mga tao palang kayo?"

"Ang iba oo, ang iba naman hindi. Pero halos lahat samin binura ang ala ala." Tumayo si Stella at tumungo sa harap ng malaking bintana "Wala na rin kaming pake sa mga nakaraang buhay namin dahil ang importante buhay na buhay kami ngayon. Iyan ang pinanghahawakan naming mga bampira."

"Eh yung labanan 10 taon na ang nakakalipas?" Agad na napatingin si Stella kay Clyde dahil sa tanong nito, "Laban between human ang Vampires, tama ba?"

"Hindi mo ba na alam na dahil sa labanang yon naging isang bampira si Amanda--ang pamangkin mo? Ang labanan na iyon ang ayaw naming mga bampira na maulit pa. Okay na kami sa Waldorf Academy noon lalo na nung hindi pa nalalaman ng mga tao na bampira ang mga nakakasama nila doon." Bumuntong hininga si Stella, "Sadyang ang mga kalaban lang namin ang panira."

"Eh bakit ba ninyo naisipang magpapasok ng mga tao sa eskwelahan na 'yon?"

"Dahil isang normal na tao ang asawa ni papa ngayon, at iyon ay ang nanay ko. Ibig sabihin isa akong half-human vampire. Hindi ako makapangyarihan tulad ng iba." Napayuko si Stella. Naalala niya nanaman kasi ang nagawa niya sa kapatid niyang si Josephine, dahil sa inggit at kapangyarihan kaya niya pinatay ito.

Parehong napatigil ang dalawa nang biglang mag ring ang cellphone ni Detective Clyde. Tawag mula sa kaibigan at ka-trabaho niyang si Paul.

"Hello? Anong problema?"

[ Clyde, may dapat kang malaman. ]

Kumunot ang noo ni Clyde, "Bakit? Anong dapat kong malaman?"

[ May nakita akong litrato sa opisina ng Student Council sa Waldorf Academy kanina. Tiyak na magugulat ka kapag nalaman mo kung sino ang nasa litrato ]

Napatayo si Clyde sa kanyang narinig, "S-Sino ang nasa litrato?" Tanong nito. Maging si Stella ay naghihintay sa susunod na sasabihin nito.

[Si Dylan Glamour. Litrato niya nung bata pa siya. May kasama siyang babae. Di ko pa nakikilala kung sino ang babaeng kasama niya sa litrato]

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon