Chapter 16- They are back

5.8K 188 49
                                    

James POV



Napatayo ako.


"James.." tawag sa akin ni Blaze.


"James, sino sila?" tanong ni Erin habang pinupunasan ang mga luha niya.


"My family.." I answered.


"Ha? Akala ko ba wala kang pamilya?"


"I lied. Sorry."


Lumapit sa akin si Julia at bigla niya ako niyakap kaya niyakap ko rin siya.


"I miss you so much, kuya James." bulong niya.


"Ako rin."


"Pero anong ginagawa ng Kurt Kenley na yan dito? Muntikan ko ng masampal yan kanina eh." bulong niya ulit. Napatingin ako kay Kurt, naka yuko lang siya.


"Kakampi na natin siya simula ngayon."


Kumiwala siya sa pag yakap sa akin at naka kunot noo akong tinignan, "WHAT?!"


Hinila ko agad si Julia at lumapit ako kayla Raven, Blaze at Kristina. Lahat sila naka ngiti sa akin maliban kay Raven na grabe kung tignan si Erin.


"We need to talk." sabi ko sa kanila. Tumingin ako kay Erin na parang naguguluhan sa mga nangyayari. Bumuntong hininga ako saka tumungo sa likod ng bahay niya kung nasaan ang Garden. Sumunod naman sa akin sila Blaze.


Pagdating namin agad na nagsalita si Raven, "Sino siya?" walang ka'emosyon niyang tanong. Anong problema nito?


"Who?" I asked.


"Yung babaeng kayakap mo kanina." Umiwas ako ng tingin, "Si Amanda? May balita ka na ba sa kanya?" tanong pa niya.


"Wag muna natin pag-usapan si Amanda ngayon." Lahat sila nagulat sa sinabi ko.


"Kuya James, may problema ba?" tanong ni Julia sa akin.


Ayaw ko munang sabihin ang lahat sa kanila. Lalo na ang pagiging isang normal na tao ko na ngayon. Ayaw ko na pati sila poproblemahin ang mga problema ko.


Hindi ako sumagot sa tanong ni Julia kaya I changed the topic, "Kailangan natin makapunta sa Cransylvania."


"Hanggang ngayon nawawala pa rin si Queen Josephine at King William." Kristina said.


"Pati si Stella, nawawala rin." dugtong pa ni Blaze.


"Anong gagawin natin?" tanong ni Julia.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon