Chapter 51- Final Choice

1.2K 28 6
                                    

Third Person's POV

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ninyo. Masyadong delikado sa labas, sa mundo ng mga tao! Hinahanap na tayo ng mga pulis, nagkakagulo na ang lahat doon. Bakit ba hindi nyo ako naiintindihan?!" Sunod sunod na sabi ni Jade dahil sa hindi nya pag sang-ayon sa pinaplano nila Josephine.

"Wala tayong choice, Jade. Mamaya o bukas, hindi natin alam anytime susugurin tayo ng mga kalaban. Anong laban natin ha? Ang kapangyarihan ko, ang kapangyarihan ni Amanda, si James, lahat nawala at kinuha samin ni Miranda. At si Stella, kakabalik nya lang pero pinatay na sya agad ng mga kalaban." sambit ni Josephine. Talagang gusto nyang ituloy ang desisyon nya. "Hindi mo ba naiisip ang mga anak nila Amanda? Malaki ang posibilidad na mapapahamak ang kambal. Naiintindihan mo ba ako?"

Napatigil si Jade. Oo nga ang mga ang ni Amanda. Hindi pwedeng may mangyaring masama saknila---isip nito.

"Wala na tayong oras.." Biglang dumating si Rafael kasama ang kaibigan nyang si Moss na syang mata nila sa Cransylvania. "Papunta na ang mga kalaban dito sa Transylvania." dugtong nito.

"Naka handa na sila. Susugod sila pagsapit ng gabi. Papatayin nila sila Julia, Kristoff at Kristina sa harap ninyo." nagulat ang lahat sa sinabi ng kaibigan ni Rafael, "Kasama din nila ang nawawalang kapatid nila Aurora na si Erin. Pati sya, nakatada ding patayin mamaya."

"Erin?" Biglang lumapit si Jade kay Moss nang marinig nya ang pangalan ni Erin. Agad niyang hinila ang kwelyo nito at tinignan ng masama. "Sinong Erin ang tinutukoy mo ha?!!"

"Si Erin Gibson. Siya ang nawawalang kapatid nila Aurora. Hawak sya nila Miranda ngayon dahil isa din sa mga tauhan ni Miranda ang kinikilalang ina ni Erin na syang kumuha sakanya at ang naging dahilan ng pagkaka hiwa-hiwalay nilang magkakapatid."

Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang mga nalaman, lalo na si Jade. Ang kinakatakutan nyang mangyari, ay mangyayari na. Akala nya sapat na ang paglayo niya kay Erin upang hindi na ito madamay pa pero nagkamali siya.

"Kumilos na ang lahat. Aalis na tayo at pupunta sa mundo ng mga tao."

Utos ni Josephine.

Walang nagawa ang lahat maging si Jade.

Detective Clyde's POV

Paulit ulit kong pinanood ang kuha sa CCTV noong araw at oras na naaksidente si Dylan. May mali eh, may mali talaga. Sino kaya ang taong naka itim na kumuha at nag tanggal ng singsing ni Dylan? Paano sya naging bampira?

Napatingin ako sa litratong sinend ni Paul sa email ko at muli akong napaisip. Sino, sino naman kaya ang babaeng kasama nya sa litrato na 'to?

"Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo, Clyde." Nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa bintana ng kwarto ko---si Gilbert. Sikreto pinatay ang laptop ko para hindi nya makita ang litrato ni Dylan pati na rin ng babaeng kasama nito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Kumuha muna sya ng isang sigarilyo at sinindihan ito bago sya magsalita.

"Gusto ko lang sabihin sayo na kahit ano ang gawin mo, walang kang mapapala. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Ngumisi sya, "Nakatakda na ang lahat. Mamaya, susugod kami at papatayin namin sila isa isa."

"Hindi ka ba naaawa kay Amanda at kay Rebecca ha? Hanggang kailan mo ipapakita ang kademonyohan mo? Sumosobra na ang kasamaan mo!" Agad naman siyang ngumisi na siyang ikinatayo ng mga balahibo ko.

"Ginawa nila akong demonyo, Clyde. Kaya ipapakita ko sakanila kung anong klaseng demonyo ako." Nasisiraan na talaga sya ng ulo. Malala na sya.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon