Chapter 23- Vampires Apprentice

6.1K 201 33
                                    

James POV


"Kristoff?" 


"Ako nga," pagdating na pagdating ko nagulat ako nang makita ko si Kristoff. Lahat sila nakaupo sa sala at masayang nag-uusap usap.


Lumapit ako sa kanya, "Akala ko ba patay ka na?"


"Mahabang istorya Pareng James. Ang importante buhay ako at magkakasama sama na tayo." he said at tinap ako sa kabilang balikat.


Napatingin ako sa puwesto ni Julia. Tahimik lang siya at parang ang lalim ng iniisip niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya,"Any problem? Hindi ka ba masaya na bumalik na siya?"


"Kuya James, he's strange," she said, "I mean he changed a lot," sabi niya habang seryosong tinitignan si Kristoff.


"Paano mo nasabi nagbago siya?"


"The way he looked at me kuya, hindi na tulad noon."


"Mahal mo na siya?" diretsahan kong tanong.


Biglang napatingin si Julia sa akin, halatang namumula "K-Kuya naman."


"It's okay Julia. Walang masama kung mahalin mo si Kristoff," tumayo ako at ginulo ang buhay niya, "but remember one thing, he's a heart breaker and I don't like if he breaks you heart." 


Tumayo ako at tumungo muna sa may pool side. Umupo ako sa tabi at nag-isip. Ano bang pwede kong gawin para mahanap na si Amanda? Ano ba ang pwede kong gawin para ayusin ang lahat? Nawala na ang Waldorf Academy ng dahil sa katangahan ko at ayaw kong mawala muli si Amanda sa akin. Alam ko na ang tanga tanga ko na, pero mahal na mahal ko pa rin si Amanda. I know nasabi kong mahal ko si Erin pero alam ko nangyari lang 'yon dahil sa akala kong wala ng pakealam si Amanda sa akin at dahil pinapangunahan ko na agad ang nasa propisiya.


"James," lumapit si Blaze sa akin, "Anong plano? Kumpleto na tayo. Kailangan na nating gumawa ng paraan para mahanap si Amanda."


"Ang tanga ko Blaze, diba?"


"Anong sinasabi mo James?" mas lumapit pa siya sa akin, "May problema ka ba?"


"Tama nga si Raven, ang tanga ko. Sana noon pa lang hinanap ko na si Amanda at gumawa na ako ng paraan. Pero anong ginawa ko? Wala." napayuko, "Ngayon mas lumala pa ang lahat, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sinabi ko kay Erin na nahuhulog na ako sa kanya."


"Pero mas mahal mo naman si Amanda diba?"


"Oo. Pero anong gagawin ko kung darating din naman ang araw na magmamahal ako ng iba because of that f*cking prophecy? Anong gagawin ko kung balang araw mawawala lang rin ang lahat ng nararamdaman ko kay Amanda? Anong gagawin ko kung, masasaktan ko nanaman siya?"

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon