Chapter 19- Secrets

7.2K 217 81
                                    

Blaze's POV


"Anong nangyari? Anong pinag-usapan niyo ni James?" tanong ko kay Raven. Kakababa niya lang galing sa taas.


Umupo siya sa tabi ko.


Nandito kaming lahat sa sala maliban kay James. Malaki siguro ang epekto sa kanya ng pag punta ni Amanda kanina. Nagtaka nga ako kung bakit hindi man lang siya nagsasalita kanina. Pakiramdam ko may problema sa kanilang dalawa ni Amanda. Nagtataka din ako kung paano nalaman ni Amanda na nandito kami, kung paano siya nakarating dito at naka takas sa Cransylvania.


"Blaze, alam mo ba kung ano ang pwedeng gawin ng mga taga Cransylvania?" biglaang tanong ni Raven, "diba kilala mo si Miranda? Ang pinaka malakas na witch? Paano nangyari 'yon?"


Bumuntong hininga ako, "minsan na siyang naka laban ni Master Victor."


Napatingin si Julia sa akin, "Si Grandpa?" tanong niya kaya tumango ako, "tapos anong nangyari?"


"The truth is, si Master Victor ang pumatay kay Miranda noon." nagulat silang lahat, "siguro may ginawa ang mga kampon ni Miranda kaya muli siyang nabuhay at bumalik dito sa mundo."


"How did that happened? Ni isang beses hindi tayo ginulo ng mga taga Cransylvania na yan. Paano naging magkalaban si Master Victor at ang Miranda na 'yon ng hindi natin nalalaman?" Kristina asked.


Muli akong bumuntong hininga, "nung pinatay ni Master Victor si Miranda, hindi ako isinama ni Master. Mag-isa siyang lumaban kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari noon at mas lalong hindi ko alam kung paano sila naging magkalaban."


"Tsk. Tsk. Strange strange." -Kristina


"You!" sabay sabay kaming napatingin kay Julia. Tinuro niya si Kurt na naka upo sa kabilang sofa, "Nakikinig ka ba sa pinag-uusapan namin?!" sigaw niya dito.


"Julia tama na yan." saway ni Raven sa kanya.


"No Raven, he don't belong to us. He's our enemy diba?!" nakita ko ang pag yuko ni Kurt, "How can we trust this guy?!"


"Julia stop it." I said. Tinignan niya ako, "Kakampi na natin siya kaya hindi mo siya dapat pagsalitaan ng ganyan."


Inirapan niya lang ako and then she murmured, "Unbelievable."


Hinayaan ko nalang siya at hindi na pinansin ang pagmamaktol niya kay Kurt Kenley. Aakyat na rin sana si Kurt para pumunta sa kwarto niya pero pinigilan siya ni Raven. Kasama na niya kami kaya dapat pati sa mga plano namin, kasama siya.


"Blaze, yung tungkol nga pala sa tanong ko, ano ba ang pwedeng gawin ng mga taga Cransylvania?" tanong ni Raven.


Sinubukan kong isipin ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Master Victor patungkol sa mga taga Cransylvania. Sinabi niya sa akin noon na halong wizards at witches ang nasa Cransylvania, ngunit mga masasama ang mga ito. Maliban sa mga Transylvania na mga mabubuti at kakampi ng mga bampira. Sinabi rin ni Master noon na dating magkakasama ang mga taga Cransylvania at Transylvania, ngunit dahil sa kagustuhan ni Miranda na agawin ang puwesto ni Aurora, umalis siya sa grupo at lumayo. Nag tayo siya ng sarili niyang palasyo. She brainwashed the other wizards and witches at ginawa niyang alagad ang mga ito o puppets. Ginamit niya ang lahat ng makakaya niya para lang walang maka alam kung nasaan ang Cransylvania at kung paano umalis sa lugar na 'yon.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon