Chapter 2

863 58 0
                                    

*Kinabukasan

Frances POV

Nagising ako ng 7:00 ng umaga, tulog na tulog pa si Duke sa tabi ko. Si Mom and Lola nasa baba na siguro.

Bumangon na ako para mag-ayos ng sarili bago bumaba, lumabas ako ng kwarto nina Mom at dumiretso sa room ko. Pumasok ako sa cr ng room ko para gawin ang morning routine ko. Ilang minuto pa eh natapos na ako kaya bumaba na ako. Nakita ko naman si Mom and Lola na naghahanda ng breakfast.

"Good morning Mom & Lola" masaya kong bati sa kanya sabay kiss ko sa cheeks nila.

"Good morning Queen" bati nila sakin at ngumiti din.

"Sya nga pala Queen nasa labas si ate Gwy mo tsaka si Joshua sasama sila sa paghahatid sayo" mom said, ngumiti naman ako bago lumabas tiningnan ko sila at nagtitiktok pala.

"Good morning Ate & Joshua" bati ko sa kanila binati din nila ako.

"Kung di pa inulit sakin ng Mommy mo na aalis ka di ko pa malalaman eh" tampong sabi ni Ate Gwy.

"Sorry na Ate Love, bumawi na lang kayo sakin pag uwi ko uli dito HAHAHA" natatawang sabi ko dito kita ko naman ang pagtawa din ni Joshua habang si Ate ay tampo pa din.

"Magiingat ka dun Queen ha, mamimiss kita" wika ni Joshua habang naka pout pa, kala mo naman cute sya HAHAHA

"Oo naman, bantayan nyo sina Mommy and Duke ha lalo na si Lola" nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango naman ang dalawa at ngumiti sakin.

"Queen pasok na kayo dito, kakain na tayo manliligo kapa baka malate ka sa flight mo" mommy said. Niyaya kona ang dalawa kong pinsan pumasok sa loob para makapag breakfast kami.

Nasa loob na kami at nagsi upuan na para kumain, nag pray muna syempre bago kumain. Pagkatapos ko kumain umakyat na ako sa room ko para maligo at mag ayos ng sarili ko.

*After 20 minutes tapos na ako sa lahat, bumaba na ako dala dala ang maleta at bag ko, nasa baba na din sina Mom at bihis na 8:30 na ng umaga kelangan na namin umalis at malayo layo din samin ang airport dito.

"Let's go na Mom, baka malate pa ako sa flight ko" wika ko sa kanya at nagsitayuan na sila para lumabas na kami.

Sinakay naman ni Duke at Joshua ang gamit ko sa likod ng kotse, nandito din si Dodie para sumama sa paghahatid saken.

"Queen wala kana bang naiwanan?" tanong sakin ni Mom.

"Wala na po mom" nakangiti kong sabi at sumakay na sina Joshua at Lola sa kotse bigla namang tumahol si Moji, napangiti naman ako at lumapit sa kulungan nya.

"Babye Moji ko, matagal uwi ko ha bantayan mo sina Mommy" hinalikan ko naman ito sa ulo at tumayo na, sobrang mamimiss kita Moji!

"Tara na Queen, anong oras na oh baka malate kana" naglakad na ako papunta sa kotse, at umandar na ang kotse, mamimiss ko ang bahay na to lalo na sina Mom.❤️

After 1 hour, nasa airport na kami bumaba na kami sa kotse nagpark muna si Dodie tsaka kinuha nina duke yung gamit ko sa likod ng car.

"Ingat Queen" wika ni Ate Love and Joshua sabay kiss sa pisnge ko ngumiti naman ako.

"Ingat Anak ha, mamimiss ka namin, update mo kami lagi" naiiyak na sabi ni mommy. Naluluha din ako kaya niyakap ko si mommy at kiniss sa pisnge, kiniss nya din ako sa pisnge ko.

"Ingat ate, mamimiss kita kabardagulan" natatawang sabi ni duke at yumakap sakin, mamimiss ko to sobra ilang segundo din nakayakap sakin si duke. Umiyak na nga ata eh HAHAHHA

"Ingat ka dun apo ha, mahal na mahal ka namin, uwi ka sa birthday mo" naiiyak na sabi ni Lola kiniss ko naman sya at niyakap.

Kinuha kona ang maleta at bag ko ilang minuto nalang aalis na ako, mamimiss ko ang Pagadian lalo na ang Family ko!

Hinatid ako ni Mom and Duke sa loob, naiwan sina Lola sa labas. Hila hila ni duke ang maleta ko, nasa loob na kami at 9:50 na 10 minutes na lang, nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.

"Babye mommy and duke, mamimiss ko kayo" naluluha kong sabi sa kanilang dalawa si duke umiiyak na mamimiss daw ako, kaso kabardagulan lang HAHAHA.

"Sya sige na anak, pasok kana ingat ka ha update mo kami kapag nakababa ka na sa Manila" wika ni mom, nag wave na sakin si duke.

Pumasok na ako sa loob bago pa magkaiyakan uli. Para sa pangarap Frances! Laban!♥️

Nakasakay na ako sa eroplano, malapit ako sa bintana kaya kitang kita kopa sina mommy na iniintay makalipad ang eroplanong sinasakyan ko.

"Mamimiss ko kayo sobra" wika ko habang nakatingin sa kanila, pinahidan ko naman ang luhang pumatak sa mata ko. Vinideohan kopa sila pang story sa ig HAHAHAH

Ilang minuto pa ay lumipad na ang eroplanong sinasakyan ko kita ko naman si Lola na kumakaway kaya napangiti ako. Nag earphones na ako, matutulog muna ako dahil mahaba haba ang biyahe ko.

She Changed MeWhere stories live. Discover now