Chapter 41

505 76 6
                                    

1 week ago

Jaydee POV

"Babe, tomorrow na alis ko dito. Nagpa book na ako kina Dad kanina" saad naman ni Jie sa kabilang linya. Nakaramdam naman ako ng kaba at takot. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Jie.

"A-ah sige b-babe, sunduin nalang kita. Chat muna lang saken kung anong oras kita susunduin ha?" utal kong saad sa kanya.

"Bakit ka nauutal ha? Excited ka no?" pang aasar nya, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kaya nagpaalam na ako sa kanya na ibababa kona ang tawag.

"Sige na babe mamaya nalang uli madami lang gawain dito sa office" pagsisinungaling ko sa kanya, 2 days na akong di pumapasok sa office dahil nasa hospital ako. Ako kasi ang nag aalaga kay Frances.

Agad ko namang binaba ang call pagkatapos kong sabihin yun, mahal ko naman si Jie pero iba pa din yung pagmamahal ko kay Frances.

Nahihirapan ako sa sitwasyon ko kase may masasaktan akong tao na matagal ko na din nakasama. Pero ngayon di ko na hahayaan na masaktan pa si Frances. Gago na kung gago pero tatapusin ko yung namamagitan samin ni Jie.

"Bayaw, uwi muna kami ni Mom ikaw na muna bahala kay Ate" natauhan naman ako dahil sa sinabe ni Duke kasi kanina pa daw ako nakatulala dito sa labas ng room ni Frances.

"Sige bayaw, ingat kayo ha. Ako na bahala sa Ate mo" saad ko sa kanya at tinap ang balikat nya.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko naman si Tita na kausap si Frances. Napangiti naman ako.

"Oh Jaydee, uuwi muna kami ni Duke kasi may aayusin akong mga papeles kelangan na kasi sa Pagadian. Kapag uuwi ka tawagan muna lang si Coleen para pumalit sayo ha" saad naman ni Tita Ming.

"Ako na bahala Tita, nag leave talaga ako para alagaan si Queen" saad ko sabay ngiti sa kanya.

"Bakit naman Jaydee madami naman pede mag alaga kay Frances?" pag aalalang saad ni Tita.

"It's okay tita, ingat po kayo sa biyahe" saad ko at bumeso kay Tita. Lumabas na sya at naiwan kami dito ni Frances.

Naging okay naman kami this past few days, pero alam kung galit pa din sya dahil sa ginawa ko.

"Gusto mo ba kumain Queen?" tanong ko sa kanya.

"Pinakain na ako kanina ni Mom" saad nya pero di nakatingin sakin.

Umupo naman ako sa upuan na nasa gilid ng bed nya. Hinawakan ko naman kamay nya. Medyo okay na naman sya kasi Stage 1 yung cancer nya and pasalamat na lang kasi naagapan yung pagdala ko dito sa hospital. Nakwento na din nya na nuon nga nagtetake sya ng medicine kasi nalaman na nga nya na may cancer sya.

"Galit kapa din ba mahal?" tanong ko sa kanya habang kinikiss ko palad nya.

"Lilipas din to" biro nya, kaya natawa ako ng bahagya.

Sasabihin ko sana sa kanya na di ako makakapunta bukas dito kase dadating si Jie kaso alam kong magagalit sya. Pero ayoko na mag sinungaling sa kanya dagdag kasalanan na naman kapag di ako nagsabe sa kanya ng totoo.

"Mahal?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" sagot naman nya saken.

"Hindi ako makakapunta dito bukas kase may pupuntahan ako, pero sasabihan ko naman sina Gabb na sila muna magbantay sayo" saad ko, kumunot naman noo nya. Eto na nga sinasabe ko nakakatakot.

"San ka naman pupunta?" kunot noong tanong nya. Lumunok muna ako bago magsalita ulit.

"Diba mahal kapag di ako nagsabe sayo ng totoo magagalit ka? Edi sasabihin ko na sayo, pero alam kong magagalit kapa din" natatawa kong saad pero sya seryoso lang ang mukha at nakatingin lang saken.

She Changed MeWhere stories live. Discover now