Chapter 11

653 65 9
                                    

Jaydee POV

Nanliligo pa si Frances ako naman naiwan dito sa salas ng condo nila. Ilang minuto pa ay lumabas na sya, so it's my turn para manligo HAHAHAH

"Take a bath there, use may soap na lang" saad naman ng conyong to, cutie.

"Okie, thankyou" saad ko dito at pinahiram din sakin yung extra towel nya, bango naman ng bebe ko.

Ilang minuto pa ay natapos na ako maligo, paglabas ko ng cr naabutan ko sya nakaupo sa couch may ka video call, baka mommy nya yun.

"Oh Jaydee, meet my mom!" saad naman nito sakin, tumabi naman ako sa kanya na nahihiya.

"Hello po, tita" bati ko sa kanyang mom sa camera, ngumiti naman ako, nginitian din nya ako.

"Oh hello anak, ikaw si Jaydee?" tanong nito.

"Yes po, friend po ni Frances" saad ko naman at ngumiti. Tumingin naman sakin si Frances at ngumiti din.

"Pakibantayan ng anak ko jan sa Manila ha, medyo may katigasan ng ulo lang yan, makulit din HAHAH" pabirong sabi naman ng mom nya.

"Mom, stop!" iritang sabi naman ni Frances, tumawa nalang kaming dalawa ng mom nya.

"Don't worry tita, ako na po bahala sa kanya kami po ng mga Ate's!" masigla kong saad sa mommy nya tumingin naman sakin si Frances at kinurot pisngi ko.

"Mom, bye na kakain muna kami anong oras na din oh, I'm hungry na din" nakapout na sabi nitong katabi ko sa mom nya napaka cute naman talaga.

"Okay Queen, please take care of yourself anak ha? Iloveyou and imissyou baby girl ko" sabi naman ng mom nya cute nilang mag mom, mana si Frances sa mom nya mabait and malambing din plus maganda pa.

"Okay mom, iloveyou and imissyou too na din" saad naman ng katabi ko nag babye na kaming dalawa at inend na ang call.

"Jaydee I'm hungry na" naka pout na sabi nitong katabi ko, kacute naman talaga kaya pinitik ko noo nya, sinamaan naman nya ako ng tingin.

"I'm sorry baby, cute mo kasi eh" saad ko dito medyo nabigla din ako sa sinabi ko kaya namula naman sya. Kilig yarn Frances?

"Ikaw ha, crush moko no?" pang aasar naman sakin nitong si Frances.

"Hindi no, taas naman ng pangarap nito" asar ko din sa kanya. Hinampas nya naman ako.


"Hehe, joke lang pano kung oo?" bawi ko naman dito, kaagad naman sumeryoso tingin nya sakin at tumahimik ang paligid. Ilang minuto din tumahimik sa loob ng condo at magkatitigan lang kaming dalawa.

"Joke lang, masyado ka naman Jan" bawi ko uli dito dahil naging awkward ang paligid, umirap naman sya sakin at tumayo sya papunta sya sa kitchen.


Sumunod nalang ako para magluto ng ulam namin. Nako Frances Therese pag ikaw talaga niligawan ko ewan ko na lang.

"Queen, ano gusto mong ulam?" tanong ko dito habang nagpophone tumingin naman sya sakin na parang nagtataka.

"Bakit alam mo nickname ko?" tanong nya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Secret" saad ko sa kanya sabay wink, umirap na naman sya sakin HAHAHA napakinig ko kasi kanina sa mom nya tinawag sya na queen kaya queen nalang din tatawag ko sa kanya. Queen ng buhay ko. Charrr. Wag kayong panot!


"Whatever, kahit ano na lang dyan o kaya sa labas na lang tayo kumain?" sabi naman nito.

"Osige, saan mo gusto kumain?" tanong ko naman dito.

"Mcdo? Dun na lang siguro kung okay lang sayo" saad naman ni Queen, tumango na lang ako nagce-crave din ako sa chicken eh.


"Let's go na Jaydee, nakatitig kana naman sakin alam ko naman na maganda ako" pangbabara naman nitong kasama ko, di ko namalayan na naka titig na naman ako sa kanya. Ngumiti nalang ako sa kanya at kinuha car keys ko, kinuha ko yung hoodies ko ganun din sya malamig na kasi.

Naka short lang ako na hanggang tuhod ko, si Queen naman naka pantulog na pajama and hoodies yung binili namin kanina, simple lang talaga sya manamit pero sobrang lakas ng dating.

Naglalakad na kami papunta sa parking lot. Bigla naman syang umimik.

"Anong oras ka pala uuwi? Baka hinahanap kana sa house nyo" tanong nya naman sakin.

"Sasamahan kita, okay lang message kona lang kina mom na sa condo nyo ako matutulog wala ka din kasama eh" saad ko naman dito, tumingin naman sya sakin, bale nasa pinto na kami ng car ko pinagbuksan ko naman sya.


"Thankyou" sabi naman nya sakin pagkapasok nya ng car ko. Umikot naman ako para makasakay na din ako.


"Baka kasi pagalitan ka sa inyo kapag di ka umuwi" habol na sabi naman nito.

"No, sasamahan kita, okay? No buts" seryoso kong sabi dito, kasi iimik na naman sya.

Nag play naman ako ng music favorite ko to "Just Hush - Maikee's Letters" sumasabay naman ako sa bawat lyrics nito, sumabay din naman tong katabi ko.

(Hindi ko na lalagay yung bawat lyrics guys, pakinggan nyo na lang yung nasa taas, thankyou bebi's♥️)

Ilang minuto lang din ay nakadating na kami sa mcdo nagpark na ako at bumaba para pagbuksan sya ng pinto.

"Let's go na" aya ko sa kanya sabay hawak sa kamay nya nilalamig sya kahit na naka pajama at jacket na sya, pero seryoso ang lamig nga naka short lang ako HAHAHHA.

Ngumiti naman sya sakin at pumasok na kami sa loob. May bigla namang tumawag sa kanya na babae naka uniform na pang F.A. Agad naman na lumingon tong kasama ko.



(Eyy short update muna, parang kilala nyo na kaagad kung sinong tumawag HAHAHA, keepsafe sa inyong lahat guys, don't forget to vote, mahal ko kayo!♥️)

She Changed MeWhere stories live. Discover now