Chapter 40

532 78 8
                                    

Gabb POV

Nandito na kami sa bar, buti nalang pumayag yung ibang Ate's. Nasa table na kami, katabi ko naman si Ella. Eto namang si Jaydee at Frances di mapakali ewan ko, baka may di ako alam na nangyare kanina kasi silang dalawa yung naiwan sa kotse tas sobrang tagal nila bago makarating sa office.

Nahuhuli ko naman si Jaydee na panay tingin kay Frances kaya sinundot ko tagiliran nya. Kumunot naman noo nya.

"Not now Gabb" inis na saad nya, napatawa naman ako.

"What's your problem bro?" natatawa kong tanong sa kanya, ang moody nya now ha.

"None of your business" saad naman niya sabay pitik sa noo ko, babatukan ko na sana sya ng hawakan nya kamay ko. Aba aba sigee.

Napatingin naman ako kay Frances na ngayon ay nakatutok sa phone nya, ngumingiti ngiti pa sya, siguro si Kielle na naman kausap nya. Kawawang Jaydee HAHAHHA.

"Gabb" tawag nitong katabi ko saken.

"Oh? Susuntukin moko?" tanong ko, umiling naman sya at may binulong saken.

"Tingnan mo kung sino kausap ni Frances, please?" bulong nya sabay kiss sa pisnge ko, kadiri tong baklang to.

"Yuck kadiri ka talaga Jaydee" saad ko sabay hampas sa kanya nagtinginan naman samen mga Ate's pati si Frances.

"Kayong dalawa mamaya paguumpugin ko" singhal naman ni Ate Sheki saming dalawa. Tingnan mo tong bulinggit na to.

"Bakit ba? Hayaan muna lang sya sumaya. Ikaw nga may girlfriend na eh" saad ko sa kanya sabay duro sa noo nya.

"Naaalala kona sya Gabb" saad nya na pinagtaka ko. Ha? Ano daw?

"Sinasabe mong monggoloid ka?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Patay malisya kapa alam ko naman na alam mo na, ex girlfriend ko si Frances. Hindi pala ex girlfriend kasi hindi naman kami nag hiwalay" saad nya saken, nagulat naman ako. So nakakaalala na sya? What? Wait!

"Are you sure oh baka crush mo lang talaga si Frances kaya ka nagagawa ng kwento" asar ko sa kanya, sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Gago ka talaga, umamin kana kasi! Diba? Girlfriend ko sya before mangyare sakin yung aksidente?" pangungulit nya, tumango nalang ako. Nasasaktan din ako para kay Frances, alam na pala ni Jaydee pero di nya pinili si Frances.

"Alam mo naaawa ako kay Frances, sa totoo lang" malungkot kong kwento sa kanya, humarap naman sya sakin na parang gustong gustong malaman yung sinasabe ko.

"Pleasure only lasts for a short amount of time, while happiness is everywhere you want it to be.<3 Ang dami ng nanliligaw sa kanya pero ikaw pa din iniintay nya, ilang taon na ang nakalipas nung umalis ka ng Pilipinas para dun pagpatuloy ang pag aaral mo, pero sya iniintay ka pa din. Tapos ikaw na kay Jie na, na pinagseselosan nya dati" saad ko sa kanya.

Jaydee POV

Sino nga ba naman hindi magkakagusto sa isang Frances Therese no? Sobrang attractive nya, and napaka hard working na tao, super sipag nya as in.

Nakaramdam naman ako ng guilty sa katawan ko dahil sa nalaman ko. Siguro kung kami pa ni Frances kasal na kami hays. Pero wala naman talagang may gusto na mangyare yung aksidente na yun.

Tinap naman ni Gabb yung balikat ko para kumalma ako, nananakit ulo ko sa tuwing iniisip yung mga past na nangyare sa buhay ko.

"Good evening ladies and gentlemen" bati nung singer sa stage. Bumaling naman ang atensyon namin sa kanya. Banda sila, syempre bar to eh. Natatandaan ko dito ko ginawa yung araw na tinanong ko si Frances kung pwede ko sya maging girlfriend. Miss na kita super mahal ko.

She Changed MeWhere stories live. Discover now