Chapter 46

326 51 4
                                    

Jaydee's POV

Nagising ako dahil sa iyak ng anak ko, tiningnan ko naman kung anong oras na. 5 am na pala kaya kaagad akong bumangon ng marinig ko ang pag iyak ng anak ko.

"Shhh fiona, wag na mag cry dada is here na" saad ko habang kinukuha ang anak ko sa bed nya.

"Good morning my princess, wag na umiyak magigising si mommy" saad ko habang pinapatigil sa pag iyak ang anak ko.


Lumabas naman kaming dalawa sa kwarto at pumunta sa may garden, iniwan namin mommy nya na natutulog pa sa kwarto namin.

"Dada, diba Sunday ngayon? Magchuchurch po tayo?" tanong naman ng anak ko saken habang buhat buhat ko sya.

"Yes anak, mag church tayo tapos pasyal tayo sa mall. Gusto mo ba yon?" tanong ko habang nakangiti sa kanya, nakita ko naman ang pagkakalawak na ngiti sa labi nya.

"Yes dada, punta din tayo kina lola please dada? Gusto ko makipag play kina Mami la and Dadi lo" paglalambing naman ng anak ko.


"Sure anak, hayaan mo punta tayo mamaya sa kanila. Basta good girl lang ha?" saad ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya.


3 years old na yung anak namin ni queen, pero kapag kagising si dada kaagad ang hanap kaya umiiyak sya kapag di kaagad ako nakikita pag kakagising nya.

Nag handa naman kaming dalawa ng breakfast namin para pagkagising ng mommy nya kakain nalang kami.

Si fiona ay kamukang kamuka ko, tapos dada's girl din kaya tong si frances nagtataka sya daw yung nagdala kay fiona ng 9months pero ako ang kamuka at ako ang favorite ng anak nya.


"Baby gisingin muna si mommy sa taas, ihahanda ko na tong breakfast natin" saad ko kay fiona, tumayo naman kaagad sya para pumunta sa kwarto.


"Yes dada" saad nya habang umaakyat papunta sa kwarto namin.

Ilang minuto pa bumaba na yung mag mommy, buhat buhat naman sya ni queen.

"Good morning love" bati ni queen sakin habang pababa ng hagdan.

"Good morning mahal ko" saad ko sabay lapit at halik sa pisngi nya. Ngumiti naman anak namin at iniupo na ni queen sa upuan niya.

"Okay let's pray muna, Fiona bago mag eat" saad ko sa kanya. Sya naglelead ng prayer tuwing kakain kami. Napakabibo nyang bata na kahit 3 years old pa lang naiintindihan na nya yung mga words at kaya hindi na sya nahihirapan magsalita.

"Papa god, thankyou po sa araw na ito. Thankyou po sa foods na nakahanda ngayon. Guide us always papa god, lalo na si mommy and dada na nagwowork sa company. Thankyou po" saad nya sabay ngiti kaya napangiti din kaming dalawa ni Frances.



"Oh let's eat na, love yung anak mo naglalambing punta daw kina Mami la nya" saad ko habang sinasandukan ng pagkain yung plato nilang dalawa.


"Gusto mo ba anak? Miss muna kalaro sina Mami la mo?" tanong ng mommy nya. Kaagad naman tumango si fiona.

"Yes mommy, miss kona mga cousins ko dun" saad ng anak ko, napangiti naman ako sabay tingin kay Frances.

"Sure baby basta behave lang dun magagalit si dada mo kapag di ka nag behave dun" saad ng mommy nya, kaya etong si fiona tuwang tuwa napagbigyan sa gusto nya.


Ilang minuto pa ay natapos na kami kumain. Si Frances na nagligpit ng kinainan namin kami namang dalawa ni Fiona nasa salas nanunuod ng tv.


Mga 6:30 pinaliguan na ni Frances si Fiona dahil magsisimba pa kami baka malate kami sa mass. So napagpasyahan kona din na manligo na para di kami malate.


She Changed MeWhere stories live. Discover now