Chapter 30

756 82 13
                                    

Jaydee POV

Nakauwi na ako sa house namin, pinalagay ko naman driver namin yung pinamili sa may van. Sya na magdadala nun papunta sa Batangas and papaayos nalang sa care taker namin dun.


Nagpalit muna ako ng t-shirt at nagpaluto na kay Yaya ng dinner kasi dito matutulog yung mga Ate's para sabay sabay na bukas umalis. Sumabay nalang si Frances kina Amy, magkikita din naman kami mamaya eh.

Nagtext na din ako kina Mom na dito matutulog yung mga Ate's pumayag naman kaagad sya. Malelate lang daw sila ng uwi. Bale luto na yung dinner namin medyo madami yung luto kasi madami kami HAHAHHA.


May bumusina naman sa labas ng bahay namin, kaagad ko namang tiningnan sina Amy pala. 6pm nadin kasi, sinalubong ko naman sila at kinuha ko gamit ni Queen.


"Hi love" bati ko kay Frances sabay kiss sa noo nya, ngumiti naman sya ng pagkakatamis tamis at kinuha yung bag nya, kinuha ko naman yung maleta nya.


"Nanjan na sina Tito?" tanong naman sakin ni Frances. Umiling naman ako.


"Wala pa eh malelate daw, intayin nalang natin yung iba para sabay sabay na tayo kumain" saad ko naman sa kanila habang papasok kami sa loob.


"Kakamiss din dito Jaydong, ilang buwan na nakalipas bago ako pumunta dito eh yung kasama pa natin si ano" saad nya, napatingin naman ako sa kanya kasi alam ko na kung sino tinutuloy nya. Si Carla ex girlfriend ko, napatingin naman sakin si Frances na parang nagtataka.


"Gawa gawa ka na naman ng kwento, alam ko namang ilang buwan ka na di nakakapunta dito pero tayo lang namang tatlo nina Laney e grabe ka pahamak" natatawang saad ko sa kanya para naman maniwala si Frances na nagbibiro lang si Amy.


"Amy samahan muna si Coco sa guest room para mailagay yang gamit nyo, lagay ko lang gamit ni Queen sa taas" saad ko kay Amy tumango naman sya tsaka niyaya si Coco pumunta sa guest room.


"Let's go love sa taas dalhin muna natin to" aya ko kay Frances tumango naman sya.


Tahimik naman nya, pahamak kasi si Amy eh kakainis.

"Okay ka lang love? May masakit ba? May gusto ka ba?" tanong ko naman sa kanya, napatigil naman sya sa pagpophone sabay tingin sakin.


"Nothing, gusto ko lang magpahinga" walang gana nyang sagot, pahamak talaga si Amy oh. Hay nako suyo well Jaydee.


"Pahinga ka muna love, baba muna ako text ko din yung iba para makakain na tayo" saad ko naman sa kanya sabay kiss ko sa noo nya, humiga naman sya sa bed ko. Lumabas na ako ng room ko nakita ko namang nandun si Amy at Coco.



"Nasan si ut-ut?" tanong naman ni Coco sakin.


"Nandun sa taas nagpapahinga, kung gusto mo din magpahinga dun kana lang muna sa room ko para may kasama ka" saad ko kay Coco tumango naman sya tsaka nagpaalam kay Amy na pupuntahan si Frances.


"Pahamak ka talaga Amy" singhal ko sa kanya. Napatawa naman sya.


"Aba ewan ko bang di pala nun kilala yung ex mo" pang aasar pa nya sakin.


"Aba sino bang matutuwang girlfriend o nililigawan kapag nagkwento ka about sa past mo? Diba wala?" pagsusungit ko sa kanya sabay hampas sa braso nya.


"Sorry na di ko kasi alam, ako na bahala kay Ces" nakangiting saad nya tumango nalang ako.


"Nanjan na daw yung iba sa labas" saad ko habang nakatingin sa phone ko lumabas naman kaming dalawa ni Amy para salubungin sila.

She Changed MeWhere stories live. Discover now