Chapter 32

641 74 10
                                    

Jaydee POV

Sobrang solid ng barkada namin, success yung surprised namin kay Gabb nung nakaraang gabi para sa birthday nya. Nakakataba ng puso kapag may napapasaya kang tao. Deserve nilang sumaya, dahil mabubuti silang kaibigan at parang kapatid na din sakin.

"Love, let's eat na daw sa baba" saad naman ni Frances sakin habang sya'y nasa pinto. Ngumiti naman ako, kaya lumapit sya para yumakap sakin.

"Thankyou for everything, mahal" napangiti naman sya sa sinabi ko. Tumango sya at ngumiti din.

"Love lahat gagawin ko para sayo, para sa atin." saad naman nya, kaya mahal ko to sobra.

"No more drama na love, kain na tayo sa baba" aya nya sakin bumaba na kaming dalawa, kami nalang pala yung iniintay.

"Tagal nyo namang dalawa, kahit kelan talaga tong si Jaydee e" biro naman ni Cole.

"Kumain nalang Cole, wag na magdadada" pangsusungit naman ni Jamie sa kanya.

"HAHAHHA buti nga sayo" pang aasar ko naman sa kanya.

"Ano balak ngay'on guys?" uuwi na kasi kami maybe tomorrow, pero syempre bago kami umuwi sa Manila diko palalagpasin tong plano ko. Di kami uuwi ng Manila hanggat diko nakukuha yung matamis na oo ni Frances.

"Labas nalang tayo, mag mall tayo ganun" aya naman ni Ate Belle.

"Nice idea baby" saad naman ni Ate Ecka kaya kunware naubo kami.

"Aarte nyo eh may mga jowa din naman kayo" pangsusungit nya sabay subo ng kinakain nya.

Ilang minuto pa ay natapos na kami kumain, mamaya kami pupunta sa mall dito sa Batangas. Bebe time muna, tapos maliligo na para makaalis na. Nagkayayaan naman mag swimming dito sa labas.

"Jaydee lumangoy kana kasi!" sigaw naman sakin nina Ate Ecka.

"Sa cr na ako maliligo, malamig tubig jan e" saad ko naman, iniintay ko si Frances dito sa baba kasi nagbibihis sya sa taas.

Nakatayo lang ako dito sa gilid ng pool. Etong mga to naman tawa ng tawa, ang bababaw ng kaligayahan nila. Susundan kona sana si Frances sa taas pero pagkaharap ko nasa likod ko pala sabay tulak sakin sa pool.

"Gag--!" nagulat ako eh tas yung phone ko nasa bulsa ng suot kong short. Kaya kaagad ko kinuha at nilagay ko sa gilid ng pool.

"Nice one Frances!" sigawan nila at sabay tawa. Ako naman badtrip kasi yung phone ko nabasa.

"Mahal naman e!" pagtataray ko sa kanya, tumalon naman sya sabay lapit sakin. Nakasando lang sya tsaka short na maikli.

"Yari ka Frances, tulak tulak kapa jan ah" pang aasar naman ni Laney. Habang hawak ko yung phone ko na nasa gilid ng pool.

"Sorry na love, di muna ako love ha?" pagpapa cute nya, akala mo naman effective. Eh andaming important dito sa phone ko.

Umahon ako sa pool at umupo sa may kubo malapit dito sa pool. Inaasar naman nila si Frances kaya pinipigilan ko tumawa, sasakyan kolang trip nila paprank ko din si Frances syempre.

"Love sorry na, bilhan nalang kitang bago, okay?" saad nya sabay hawak sa pisnge ko at iniharap sa kanya pero tumungo uli ako.

"Maligo kana dun, ayos lang naman eh" saad ko naman tatayo na sana ako pero pinigilan nya ako.

"Love naman eh, sorry na nga tara ligo na tayo bili nalang tayo mamaya kapag nag mall tayo" di na kasi mabuksan yung phone ko. Pero okay lang bibili nalang ako mamaya kesa naman paginitan ko ng ulo si Frances, okay lang naman luma na din tong phone ko.

She Changed MeWhere stories live. Discover now