Chapter 38

652 88 8
                                    

6 years ago...

Jaydee POV

"Baby wake up na, malelate ka sa office madami kang meeting today" sambit ng isang babae na katabi ko sa kama. Minulat ko naman ang mga mata ko at napangiti.

"Good morning baby!" bati kong pabalik sa kanya at hinalikan sya sa labi. Nakita ko naman ang pamumula ng pisnge nya.

"Bumangon kana dyan, baka kung ano na naman mangyare sa kwartong to" biro ng girlfriend kong si Jie.

Nakatira kami ngayon sa America, dahil isa akong Engineer and taga dito si Jie. Nakatira kami sa bahay nya dito, malapit sa mga parents nya. At sa sobrang dami ngang meeting sa office ngayon. Na assign saken ang mga kelangan tapusin dito sa site.

Bumangon na ako at hinawakan kamay ni Jie pababa sa kitchen. Nagluto daw sya eh, so tikman natin yung luto nya.

"Ikaw ba talaga nagluto nito o inorder mo baby?" biro ko naman sa kanya, kaagad naman na kumunot noo nya at tumingin ng diretso sa kanya.

"Just kidding baby, mukhang masarap ah" saad ko sa kanya kahit puro fried lang naman niluto nya pero appreciate ko yan ha, kasi lagi syang nag eeffort na magluto para saken kahit di wala syang alam sa pagluluto.

"Let's eat na, wag moko asarin bad trip na ako" pagsusungit naman nya kaya napangiti nalang ako at nilagyan nya ng foods yung plate ko.

Ilang minuto pa ay natapos na kami sa pagkain napag desisyunan ko naman na maligo na, hahatid kona lang din sya sa building nila kasi madami din syang kelangang tapusin. Isa din syang Engineer dito sa America, ako kasi sa Pilipinas pero na assign ako dito.

Nakilala ko si Jie sa Facebook lang, and di ko naman akalain na magiging kami at diko din akalain na 2 years na din kami. Sobrang saya ko lang, as in. Masaya.

Ilang minuto pa ay natapos na ako mag ayos ng sarili ko, bumaba na ako habang inaayos neck tie ko.

"Ako na baby, mukhang hirap na hirap ka na naman sa pag aayos nyan" sambit ni Jie, lumapit naman sya sakin at inayos. Nakatingin lang ako sa face nya pababa sa lips nya.

Napangiti naman sya at kiniss ako sa lips, akala ko saglit lang pero nagtagal unti-unti ko namang ginalaw pero humiwalay kaagad sya. Mapang asar bwiset.

Napasapo nalang ako sa mukha ko habang sya ay tawang tawa pa din. Kinuha kona bag ko at inaya na sya, wala na badtrip na ako.

"Sorry baby, later na lang malelate tayo nito eh" saad nya, napangiti nalang ako at pinagbuksan sya ng pinto ng kotse nya. Kotse nya yung ginagamit namin kapag papasok kami sa trabaho kasi yung saken nasa Pilipinas.

Inihatid ko muna sya sa building nila, nagpaalam na ako sa kanya at hinalikan sya sa labi madami pa akong kelangan tapusin kasi babalik na din ako sa Pilipinas. Siguro next month, basta babalik na din ako kasi malapit na matapos mga projects ko dito.

Di ko namalayan na nandito na pala ako sa building na pinag tatrabahuhan ko. Nagpark na ako at kinuha ang bag ko bago lumabas ng kotse.

"Goodmorning Engr. Villaruel" bati sakin ng guard dito. Ngumiti naman ako at binati din sya. Naglalakad ako papuntang office ko at binabati din ako ng mga nakakasalubong ko.

Pagpasok ko ng office ko nandito na yung secretary ko.

"Good morning Engr. eto na po yung mga kelangan nyong tapusin today and pinapapunta po kayo sa office ni Ms. De Leon may mahalaga lang daw po syang sasabihin" saad naman nya tumango nalang ako at lumabas na sya ng office.

Mabuti na lang at Pilipina yung secretary ko at di ako mahihirapan makipag usap. Inayos kolang gamit ko at lumabas na ng office pupunta ako sa office ni Ate Alice, and yes si Ate Alice po ay kasamahan ko dito sa America at isa din syang Engineer.

She Changed MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora