Chapter 10

666 67 6
                                    

Frances POV

Tapos na kaming kumain ni Jaydee, nagbabayad na sya ng bill, sabi ko hati nalang kami sa babayadan eh kaso matigas ulo nito sya na daw.

"Let's go, Love" sabi naman nya at inabot palad nya sakin. Tuwang tuwa ka naman masyado Jaydee.

"Ikaw ha, tuwang tuwa ka sa pinagagagawa natin" biro ko dito, binitawan naman nya kamay ko pagkalabas namin ng resto.

"Ayaw mo pala eh, okay lang" sabi nito, tampo to arte arte.

"Suss, lika nga" sabay lapit ko sa kanya at hinawakan kamay nya, ngiting ngiti naman ang loko, napangiti nalang din ako.

Naglalakad lang kami, gusto daw nya mag arcade. So pumayag na ako, may mga nagpapa picture din sa kanya kasi nga isang IDOL sya member sya ng MNL48.

Yung mga nagpapapicture sa kanya ang sama ng mga tingin sakin kasi nga magkaholding hands kami ni Jaydee, so ang ginawa ko hinarot kopa si Jaydee sa harapan nila para mamatay sila sa inggit HAHAHHA. Nakita ko naman ang pagkagulat ni Jaydee sa ginawa ko.

"Bakit mo ginawa yun?" natatawang tanong ni jaydee sakin.

"Ang sama kasi ng tingin nila sakin, edi mamatay sila sa inggit" natatawa kong saad dito. Tumawa nalang din sya.


Bumili na kaming tokens. Magbabasketball daw sya eh papanuodin kona lang sya. Ilang minuto din syang naglaro, maya maya pa nagyaya na ako umuwi kasi 3pm na din ng hapon. Baka nandun na si ut-ut.

"Jaydee, Tara na 3 pm na baka nandun na sina ut-ut sa condo" Yaya ko dito, tumango naman sya.

"Let's go" saad nito at hinawakan kamay ko palabas na kami ng arcade sobrang dami sa mall ngay'on kasi sunday, family time♥️

Naglalakad kami at nadaanan namin yung store ng adidas, nagtingin ako ng shoes kasi kekelanganin ko din kapag nag pasukan na sa school pang P.E. ko.

"Jaydee teka lang, magtitingin lang ako ng sapatos ko" sabi ko dito tumango nalang sya at sinamahan ako pumasok sa store.

"Ang ganda nito oh, diba?" Tanong ko kay jaydee, bibili din siguro to. Ngumiti naman sya sakin.

"Eto din oh, ganda no?" Tanong nya sakin, nakaturo kamay nya sakin, napatingin naman ako sa kanya sabay turo sa sapatos, napangiti naman ako.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan, bayadan kona to sa counter" saad ko dito at iniwan ko syang natatawa dun, napangiti naman ako, kilig ganun.




Nagbayad na ako, bumili din sya ng sa kanya. Nagpapasama naman sya sakin sa H&M may bibilhin daw sya.

Lumabas na kami ng store at pumunta sa H&M. Bumibili sya ng hoodies, pumili din ako ng mga shorts, gaganda eh.

"Pumili kana jan, ako na babayad" saad naman nito, tumanggi ako kasi ang laki na ng binayadan nya sa resto kanina.

"No, ako na babayad nung sakin" saad ko dito sinamaan nya naman ako ng tingin. Hay nako, no choice makulit to eh.

Kumuha ako nung short na gusto ko isa lang kinuha ko pero dagdagan ko daw ginawa kong 2 shorts and 2 tshirts pair sila, tapos binigyan nya ako ng hoodies, couple siguro kami HAHAHHA.

"Yan lang? Kuha kapa Jan" saad naman nitong kasama ko.

"Tama na to, mahal kaya dito sa H&M tas ikaw pa babayad nakakahiya na Jaydee." sabat ko naman dito.


Kinuha nya sakin yung napili ko para bayadan nya napaka gentle woman naman talaga eh. Inabot na nya yung card nya sa counter.


Lumabas na kami sa store at pauwi na din. Nag thankyou naman ako sa kanya syempre, nasa parking na kami pinag buksan nya ako ng door ng car at nilagay sa likod yung pinamili namin.



Nasa biyahe kami ng biglang tumawag si ut-ut kaagad ko naman sinagot to kasi baka importante.



OTP

"Hello ut?" saad ko sa kabilang linya.

"Hello ut, natuloy ba kayo sa mall? tanong naman nya sa kabilang linya.

"Yes ut, btw pauwi na kami sa condo" sagot ko naman dito.

"Kasi ut-ut di ako makakauwi ngay'on may lagnat kasi si mark eh wala dito si mom nasa work nya, tinawagan ko si ate ella nakina ate gabb daw sya mamaya pa daw uwi nya." so ako na naman mag isa sa condo?

"o sige ut-ut, iintayin kona lang si ate ella-" naputol ang sasabihin ko ng nagsalita si Jaydee.

"Don't worry coco, ako na muna kasama ni Frances sa condo, dun nalang muna ako habang wala pa si Ate Ella mamaya." sabi naman nitong katabi ko nabigla naman ako sa sinabi nito kasi baka pagalitan sya sa kanila.


"Yun naman pala eh, Jaydee ikaw na bahala kay ut-ut ko ha, baka kung anong gawin mo jan, kilala kita" natatawang saad naman nitong si coco sa kabilang linya kumunot naman noo ni Jaydee sa sinabi nya.

"Sira ka talaga kahit kelan coco" asar na sabi naman ni Jaydee, inispeaker ko naman kakahiya kasi sa kanila sila na magkausap HAHAHAH.

"Osige na ut, ingat kayo sa paguwi ha" paalala ni coco bago ko iend ang call. Malapit na din kami sa condo.

Nandito na kami sa condo nag park na si Jaydee, bumaba na sya at pinagbuksan ako ng pinto ng car nya. Ngumiti naman ako sa kanya.

Tinulungan ko sya magdala ng pinamili namin. Madami dami din to eh. Naglalakad na kami papunta sa elevator kasi nasa 10th floor yung condo namin nina coco.


Ilang minuto pa ay nasa condo na kami, nakakapagod jusko. Binaba ko sa couch pinamili namin. Habang si Jaydee nakaupo sa couch nag po-phone na naman baby ko di na ako binibigyan ng time and attention, HAHAHHA char practice lang to.


"Liligo lang ako Jaydee" sabi ko dito habang nag aalis ng sandals ko.

"Sama ako" naka pout na sabi nito hinampas ko naman sya sa braso sabay tawa.

"Siraulo ka talaga Jaydee!" sigaw ko dito habang nakapikit.

"Joke lang, sige na maligo kana, susunod ako" nabigla ako sa sinabi nya kaya pinanlakihan ko sya ng mata.

"Liligo din ako, pagkatapos mo kaya bilisan muna" pagpapaliwanag nito kasi napamali ata sabi nya nung una ayaw kasi linawin HAHAHHA.


She Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon