Chapter 5

686 60 0
                                    

Tahimik lang ang buong biyahe, nagpatugtog naman tong si Jaydee and wait favorite ko yan ah, dandelions!🥰

Napapasabay ako sa tugtog, kita ko naman ang pagsulyap nitong si Jaydee sakin hay nako, oo jaydee alam ko maganda ako🙄

Ilang minuto pa ay nag parking na si Jaydee dito siguro dito na yung condo ni coco na tutuluyan ko din. Bumaba naman si Coco and Ate Ella, nananadya talaga tong dalawang to push na push ako kay Jaydee, eh no?

"Thankyou Jaydee sa paghatid" pagpapasalamat ko kay Jaydee bago sya bumaba ng kotse ngumiti naman sya sakin, so ako nalang dito? Bumaba na din ako sa kotse at pumunta sa likod ng car nya para kunin yung maleta ko.

"Ako na magdadala nyan, umuwi kana gabi na din oh" sabi ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako, ano bang meron sa taong to? Ngingiti tas susungitan ako🙄

"Ehem, Queen tara na hayaan muna si Jaydee magdala nyan" nang aasar talaga tong si Coco eh, yari ka sakin mamaya.

"Mabigat yan jaydee ha sabe ko kasi sayo ako na magdadala eh" tumingin naman ako kay Jaydee ng bigla syang nagsalita.

"Okay lang naman" tipid nyang sabi sakin bago umiwas ng tingin sakin.

Nauunang maglakad yung dalawa, pinag tutulungan talaga ako ng dalawang yun eh, yari kayo sakin mamaya.

Nag elevator kami, nakatingin lang ako sa pinto, iniintay kong bumukas para naman makapag pahinga na ako, lumabas na kami naglalakad kami papunta sa condo ni coco, dito na siguro yun tumigil sya eh.

"Thankyou jaydee sa paghatid samin, tsaka sa pagdala ng maleta ko" nakangiting sabi ko sa kanya at binigay na sakin yung maleta ko.

"Welcome" tipid nyang sabe saken sabay ngiti sakin. Wow, himala uli? HAHAHHA


"Pasok ka muna jaydee" yaya ni coco kay jaydee nasa labas pa kasi kaming dalawa. Sila naman ni Ate Ella nasa loob na.

"Hindi na coco, uuna na din ako gabi na din eh" sagot naman nito kay coco.

"Ingat sa pagda drive ha, thankyou uli, thankyou dong sa paghatid" wika naman ni Ate Ella at Coco.

Ngumiti naman si Jaydee at bumeso sa dalawa, tumingin pa sya sakin bago mag beso din, bakit parang lumakas tibok ng puso ko? Umalis na si Jaydee at ako naiwan dito sa labas, kinikilig na ba ako?

"Ut-ut, jan ka na lang ba sa labas?" tanong naman ni coco at bumalik ako sa reyalidad.

"A-ahh o-oo papasok na ako" utal utal kong sabi dito sabay hila sa maleta ko papasok sa pinto ng condo ni ut-ut.

Tumingin naman sakin yung dalawa ng nakakaloka. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Tigilan nyo akong dalawa ha, nakakainis kayo" pang babara ko naman sa dalawang to kanina pa talaga ang issue🙄

"Tigilan daw pero nauutal kanina nung pagkatapos bumeso sayo ni dong?" pang aasar naman nitong si coco, isang isa na lang talagaa, bingo na sakin to.

"Ayoko na lang mag talk" sabi naman ni Ate Ella, alam nya atang pikon na ako pero napatawa din ako dahil sa itsura nya HAHAHHA asarrr.

"San pala kwarto ko ut?" Pag iiba ko ng topic sa dalawa. Sinamahan naman ako ni coco dun sa isang kwarto sa gitna, bali tatlo ang kwarto tigi tigisa pala kami, goods na din ang ganda.

"Pahinga kana, mag mall tayo tomorrow" nakangiting sabi naman ni coco ngumiti ako pabalik sa kanya at nag goodnight na sa dalawa, sinaraduhan kona ang pinto ng room ko.

"Thankyou lord sa araw na to, nakadating akong safe dito" wika ko habang nakapikit, bukas kona lang aayusin mga gamit ko, manliligo muna ako bago makipag video call kina mom tas tutulog na.

She Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon