Chapter 44

441 53 0
                                    

Jaydee POV

1 year ang nakalipas matapos kaming ikasal ni Queen. Napakasaya, sobra dahil kasal na kami ng asawa ko. Wala na akong ibang hiniling kundi ang magkasama kami habang buhay. I think, ako na masaya at maswerteng tao sa buong mundo.

Kakagising ko lang and 6:30 am pa lang. Valentine's Day ngayon kaya naman kaagad akong bumangon bago pa magising si Queen. Kinuha ko yung binili ko kagabeng bouquet and chocolates, galit na galit pa nga kase late ako nakauwi kase naman binili kopa sya ng gifts.

Kaagad akong bumalik sa kwarto at pinagmasdan yung asawa ko. Yun tulog na tulog at humihilik pa, napangiti naman ako dahil sa ganda ng asawa ko.

"Mylove" tawag ko sa kanya at hinalikan sa noo ngunit tulog pa din sya.

"Wake up na mahal" bulong ko sa tenga nya, kaagad naman syang yumakap saken kahit nakapikit pa ang mga mata nya.

"Good morning mahal ko" bati ko sa kanya habang nakayakap pa din sya sa leeg ko, medyo napahiga ako ng slight lang hehe.

"Good morning baby" saad nya with her morning voice, sheshh nakaka inlove!!

"Hulaan mo kung anong meron ngayong araw mahal" saad ko sa kanya at umayos ng upo sa kama namin habang sya nakahiga pa din at nagkukusot ng mata.


"Syempre Valentine's Day" kaagad nyang sagot at ngumiti ng napakalawak.

"Ahaa, correct!" saad ko at kaagad tumayo sa kama at kinuha yung bouquet ng sunflower and chocolates. Eto na naman yung ngiti nyang nakakainlove.


"Aww, you're so sweet Mylove! Come here nga!" tawag nya saken at kaagad akong niyakap.

"Happy Valentine's Day Mahal" saad ko at hinalikan yung noo at labi nya.

"For you baby, yan ang dahilan kaya nalate ako kagabe ng uwi. Sobrang daming kelangan tapusin sa office buti nalang may bukas pang flowershop ng oras na yun" paliwanag ko sa kanya habang sya nakangiti sakin at sa bigay ko sa kanya.


"Thankyou Mylove, I'm so sorry di lang ako sanay na super late ka umuwi iniisip kona lang na nambababae ka" natatawang saad nya at napatawa naman ako.


"Burahin muna sa isip mo yung Jaydee na babaero dahil nagbago na ako mahal ko" saad ko sabay yakap sa kanya at hinalikan ang noo nya.

"Happy Valentine's Day Mylove, thankyou sa pa flowers mo. Hindi kapa din nagbabago, di mo nakakalimutan yung mga bagay na nakakapag pasaya saken" saad nya habang nakayakap pa din.

"Syempre naman mahal kahit asawa na kita liligawan pa din kita palagi" saad ko nakita ko naman ang pagpula ng pisnge nya. Aishhh kinikilig Frances nyo.


"Stop it na nga mahal, ikaw alam na alam mo talaga kung paano ako pakiligin eh no?" natatawang saad nya sabay hampas sa braso ko HAHAHA eto kinikilig nalang nananakit pa.

"Let's go na, pagluluto kitang favorite breakfast mo since nag absent ako para makapag date tayo" saad ko, kumunot naman noo nya.


"No need na mag absent Mylove, mas mahalaga yung work mo now. Pede namang mamaya nalang tayo mag date diba?" malambing na tanong nya.


"Mas mahalaga ka mahal, it's okay. Basta magdedate tayo now. Okay?" saad ko kaagad naman syang humawak sa braso ko para pumunta sa kitchen.


Pinaupo ko lang sya sa upuan na nandito sa kitchen habang pinapanood ako magluto ng breakfast naming dalawa.

Dito na kami nakatira sa dream house naming dalawa, eto yung isa sa mga gusto naming matupad since girlfriend kopa sya bago mangyare yung aksidente saken. Sobrang swerte kona lang kasi bumalik yung memory ko and mas swerte pa ako kase kami pa din ni Queen yung endgame.

She Changed MeWhere stories live. Discover now