Chapter 25

744 65 2
                                    

*Kinabukasan

Nauna akong nagising kay Frances, naalimpungatan ko naman na nakayakap sya sakin. Napangiti naman ako at hinalikan ang noo nya at hinawi hawi yung buhok nya. Sobrang himbing ng tulog nya, ilang minuto din ako nakatingin lang sa kanya pinagmamasdan ko lang sya habang natutulog.



Dahan dahan ko namang inalis yung pagkakayakap nya sakin at bumangon na. Sobrang sarap gumising kung ganito kaganda bubungad ng umaga mo.



Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya inayos ko yung kumot na nasa tabi nya. Pumasok naman ako sa cr para gawin morning routine ko and balak kong ako magluto ng breakfast.


After 10 minutes bumaba na ako and naabutan ko sina Mom nagbe-breakfast na may work kasi sila.


"Good morning sweetie" bati naman sakin ni Mom then I kissed her cheeks ganun din ginawa ko kay Dad.



"Tulog pa si Frances anak?" tanong naman ni Dad tumango naman ako.

"Yes Dad, anong oras na din kaming natulog kagabi dahil nagkwentuhan kami" saad ko naman habang kumakain ako ng bread, napatingin naman sila sakin. May nasabi ba akong mali?



"Why? Bakit ganyan kayo makatingin sakin?" natatawa kong tanong sa kanilang dalawa, napakadumi ng utak talaga HAHAHHA.


"Ligaw pa lang anak diba? Bago gawin yung mga bagay na ganyan make sure na pag mamay-ari muna" dad said, sabe na eh iba yung kwentuhan sa kanya HAHAHAH hay nako Dad.



"Hay nako Dad ano ba naman yan? Kwentuhan kasi like about sa life namin ganun, kung ano ano iniisip nyo eh" natatawa kong saad napatawa din naman si Mom.



"Ewan ko ba Jan sa Dad mo anak masyadong madumi utak" natatawang saad ni Mom ganun din naman ako at napailing pa.



"Mom, Dad may sasabihin po pala ako sa inyo bago kayo umalis" saad ko naman kay Mom at Dad habang kumakain sila. Tumingin naman silang dalawa sakin na iniintay yung sasabihin ko.



"Diba may rest house tayo sa Batangas? Eh last year pa ako nakapunta dun papaalam po sana ako kung pwede kami mag vacation kahit 2-3 days lang malapit na din po school days eh matagal na naman bago maulit yun" saad ko naman sa kanilang dalawa.


"Yes sure, sino ba mga kasama mo and anak alam mo naman di kami makakasama ha super busy si Mom and Dad mo" saad naman ni Mom habang nakatingin sakin.




"I know Mom, friends ko po kasama ko sina Gabb tsaka yung ibang Ate di naman po sila iba tulad nina Amy at Laney kasama din po si Frances" nakangiti kong saad sa kanila.



"Sure anak, tawagan kona lang din yung caretaker natin dun papalinis namin yung house para naman maayos na bago kayo dumating dun, kelan ba kayo pupunta dun?" tanong naman ni Mom nag agree din naman si Dad kasi sina Laney naman kasama ko at di na sila iba sa parents ko.




"Tanong ko muna sa kanila kung kelan nila gusto para po complete kaming squad" saad ko naman sa kanila nag agree nalang sila.


"Oh sige update muna lang kami and aalis na kami anak, ingat kayo dito pakainin muna later si Frances ng breakfast" Mom said tumango naman ako at kiniss na nila ako sa cheeks ko at umalis na sila.



"Ano gusto mo breakfast, anak?" tanong naman ni Yaya ngumiti naman ako sa kanya.



"Ako nalang po Yaya magluluto, pakiligpit nalang po nitong pinagkainan nina Mom" saad ko naman at tumango sya, nagtungo na ako sa kitchen at magluluto nalang ako ng fried rice, hotdog, toccino and bacon samahan kona din ng bread and coffee.


She Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon