Chapter 21

693 75 2
                                    

Frances POV

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami sa isa't isa para magsi uwi na sa kani-kanilang bahay. Anong oras na din baka hinahanap na tong mga kasama namin sa kanila.


"Bye mga ate, thankyou po sa pagsama!" masaya kong saad sa kanila at nag beso na din.


"Congrats Frances, kitakitss nalang sa training! Ingat kayo." saad naman nila sakin, umalis na sila at pumunta na kami nina Jaydee sa parking lot.


"Thankyou love sa pagsama sakin" saad ko naman kay Jaydee. Ngumiti naman sya sakin at kinuha ang bag ko para sya ang magdala.


"Para sayo love, ikaw pa eh ang lakas mo sakin" pang bobola naman nitong katabi ko.


"Sus nambola na naman eh" biro ko sa kanya, ngumiti lang sya at umakbay sakin papunta na kami sa parking lot.

"Landi nyo talaga no?" pang aasar naman nina Ate Ella samin, nagtawanan nalang kami at pinag buksan ako ni Jaydee ng door ng car nya.

Umikot naman kaagad sya para makaalis na kami.

"Seatbelt mahal ko" paalala nya naman sakin, tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Napaka sweet talaga kaya mahal na mahal ko to eh.

Nasa biyahe kami ng biglang may tumawag sakin, si mommy pala. Kaya kaagad kong sinagot.

"Hi Mommy!" masaya kong saad dito, nag request naman sya ng video call kaya inaccept ko kaagad, ngayon nakikita ko na sya.


"Hello baby girl, kamusta?" nakangiting saad naman ni Mom. Di ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil sa good news!


"Mom may good news ako!" masayang saad ko sa kanya. Napangiti naman sya kaagad at itong katabi ko.


"Nakapasok ako Mom sa MNL48, start kona next week!" kita ko naman ang pagkatuwa ni Mom sa sinabi ko mangiyak ngiyak pa sya sa tuwa.


"Wow, Congrats anak! Miss ka na namin talaga" saad naman ni Mom. Ngumiti naman ako, miss kona din sila.


"I miss you too Mom! Nasan po si duke?" tanong ko naman sa kanya kaya tinawagan nya.


"Duke hanap ka ni ate" saad ni Mom at kita ko naman na lumapit si Duke.

"Hi ate, imissyou na!" naka pout na sabi ni duke kaya natawa ako.

"Sorry hindi kita miss eh" pagbibiro ko kaya naman umirap sya, aba kalalaking tao, napatawa naman kami ni Mom.

"Congrats mo si ate duke nakapasok sa MNL48 oh" saad naman ni Mom kita ko naman ang pagkagulat ni duke.

"For real Ate?" saad ni duke di talaga makapaniwala ang loko HAHAHHA. Tumango nalang ako.

"Congrats Ate kong panget" pagbibiro naman ni Duke kaya inirapan ko sya.

"Whatever, di naman kita miss eh" biro kodin dito. Napapatawa naman si Jaydee dito sa tabi ko.


"Mom, si Jaydee pala kasama ko nag enroll na din kami" saad ko dito at pinakita ko si Jaydee nag hi naman si Jaydee habang nag dadrive.


"Hi bayaw!" sigaw ni Duke kay Jaydee kaya napangiti si Jaydee at kami ni Mom.


"Hello bayaw, kamusta?" saad naman ni Jaydee.

"Ayos lang kami dito bayaw" kulit talaga nitong kapatid ko hays.


"Hello tita, magandang hapon po" bati naman ni Jaydee kay Mom.


"Hello Jaydee, ingat sa pagdadrive ha" paalala ni Mom tumango naman si Jaydee.


She Changed MeWhere stories live. Discover now