Chapter 19

749 79 9
                                    

*Kinabukasan

Frances POV

Nagising ako ng 7:30 am na bumangon na ako para gawin ang morning routine ko, lumabas na din ako ng room ko naabutan ko naman yung dalawa nakaupo sa couch.

"Good morning Ces/Ut-ut" bati nila saking dalawa. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Good morning!" masaya kong bati sa kanila.

"Taas ng energy ah, pano ka nakauwi kagabi?" tanong naman nila sakin.

"Hinatid ako ni Kielle then si Jaydee naabutan ko sa baba kagabi sya naghatid sakin dito sa condo." saad ko naman kaya naman nagtinginan silang dalawa ng nakakaloka.

"Ikaw ha, napapadalas na yang pagsasama nyo ni Jaydee" sabi naman ni Ate Ella, napairap nalang ako.

"May label na ba ut?" tanong naman ni Coco. Sabihin ko ba sa kanila? Sabihin kona lang hindi naman sila iba sakin eh. Kaya tumango nalang ako nagulat naman sila.

"Bilis nyo naman ata, lakas talaga ni Jades halos lahat nalang nahulog sa kanya" biro naman sakin ni Ate Ella.

"Nanliligaw pa lang naman sakin, pinayagan ko na din manligaw di naman nya ako minamadali eh" saad ko naman sa dalawa tumango nalang silang dalawa. Patango kayo girl? HAHAHA.

"Basta Queen ha, bago magdesisyon pag isipan ng maayos, nagpapayo lang ako sayo kasi ayaw kong masaktan ka" saad naman ni Ate Ella ngumiti lang ako sa kanya alam ko naman point nila eh.

"Oo nga ut-ut, ayaw lang namin na masaktan ka tsaka di ba isang idol si Jaydee loveban pa kaya hinay hinay muna kayong dalawa lalo na sa mga fans nya" saad naman ni Coco, naiintindihan ko naman point nila.

"Hindi naman sa hinahadlangan namin kayong dalawa, ang sa amin lang wag mamadaliin yung mga bagay na dapat pinag iisipan ng mabuti kita din naman namin ni Coco kung gaano ka sincere si Jaydee sayo, kilala na din namin sya kasi matagal na kami magkakasama ng mga yun" paliwanag naman ni Ate Ella.

"Yeah, basta ligaw muna sa ngayon tsaka focus muna kaming dalawa sa kung anong meron sya atsaka lalo na mag aaral na uli ako" saad ko naman sa kanilang dalawa.

"By the way, akala ko ba magpapasama ka samin ngay'on kina Coach?" tanong naman ni Ate Ella.

"Yes Ate, siguro mamaya nalang mga 10:00 am, sasamahan na daw po tayo ni Jaydee eh" sagot ko naman sa kanilang dalawa pumayag naman sila. Minus gastos na daw para sa pamasahe kapag nagrab kami.

"Mabuti na yun minus pa tayo sa pamasahe HAHAHHA" natatawang saad naman ni Coco.

Nagkukwentuhan lang kami about sa grupo nila tapos nakipag facetime din kami kina mom nag uusap sila nina Ate Ella kasi nga ngay'on ako papasok sa pagiging isang idol. Sinabi kona din kay Mom na nanliligaw na sakin si Jaydee, tanggap nya naman kami kasi sobrang close kami ni Mom.

"Bye na mom, breakfast muna kami" paalam ko naman kay Mom.

"Bye tita kami na po bahala kay Queen wag kayo mag alala" saad naman nung dalawa.

"Sige thankyou sa inyong dalawa ha, Queen yung mga bilin ko sayo, ingat ka lagi and sa inyo ni Jaydee wag nyong mamadaliin, okay? Love ka ni Mommy sobra, miss ka na namin" awww I love my Mom so much!🥺

"Yeah mommy I love you too, imissyou na mommy ko!" saad ko naman dito, nag babye na kaming tatlo at nagluto si Ate Ella ng breakfast namin.

Bigla namang tumawag sakin si Jaydee, videocall yun kaya kaagad kong sinagot katabi ko si Coco si Ate Ella naman nagluluto sa kitchen, 8:00 am pa lang naman.


She Changed MeWhere stories live. Discover now