Chapter 17

751 97 14
                                    

Jaydee POV

Nagbayad na ako ng bill namin pagkabalik ko sa tabi ni Jie, gusto pa nyang sya na magbayad pero tumanggi ako. Ako kasi yung nag aya mag dinner date kami eh.

"Let's go na Jie, hatid na kita sa inyo" saad ko naman at tumingin kay Frances na nakatingin din sakin sabay irap, nag uusap ata sila ni Kielle.

Kinuha ko naman bag ni Jie at binitbit ko syempre gentle woman plus may nagseselos pa HAHAHA kawawang Frances.

"Thankyou Jaydee" nakangiting saad sakin ni Jie, pagkakuha ko ng bag nya at umalis na kami, naglalakad kami papunta sa parking lot, pinagbuksan ko naman sya ng pinto ng car ko.

Sumakay na din ako, sinabi naman nya sakin address nya tumango nalang ako. Hahatid kona sya sa kanila, nag enjoy din naman ako kahit papano sa dinner date namin.

Nagkukwentuhan lang kami ni Jie habang nasa biyahe pauwi sa kanila. Medyo malapit lapit lang din pala sa house namin eh. Isang kanto nalang tas samin na laki din ng bahay nila. Nakadating na kami sa kanila kaya pinagbuksan ko sya ng pinto.

"Pasok ka muna Jaydee, pakilala kita kina mom and dad" saad naman nya sakin, tumango nalang ako lelegal na ako eh kahit ngay'on palang nagkakilala HAHAHAH char.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila pinag buksan naman kami ng maids nila.

"Hi mom and dad" bati naman nya sa mommy and daddy nyan ngumiti lang ako.

"Late kana ng uwi baby ah" saad naman ng mom nya. Napatingin naman sya sakin at ngumiti.

"Mom, Dad this is Jaydee Garcia member din sya ng MNL48, niyaya nya din ako mag dinner eh kaya nalate ng uwi hehe" nahihiyang saad naman ni Jie napangiti nalang din ako.

"Good evening po Mr. and Mrs Calis" nakangiti kong saad naman sa parents ni Jie.

"Tito and Tita na lang Jaydee napaka pormal naman ng Mr. and Mrs." biro naman ng mom nya napatawa nalang kaming tatlo ni Jie at Dad nya.

"Uuwi na din po ako inihatid kolang po si Jie para safe" saad ko naman dito at ngumiti sa kanila.

"Thankyou Jaydee sa paghahatid kay Jie ha, ingat ka sa pag uwi" saad naman ng mom nya at lumapit sakin para mag beso ganun din ang dad nya. Bait naman ng family ni Jie boto kaagad sakin HAHAHA joke lang.

"No worries po, una na po ako, Jie una na ako" banggit ko naman sabay beso sakin ni Jie.

"Thankyou somuch Jaydee, next time uli" saad naman nya sakin sabay beso, inihatid naman nya ako sa labas nila nag babye na ako at umuwi na. Diretso ako sa condo nina Frances ngay'on kasi mag uusap daw kami.

Frances POV

Niyaya kona din umuwi si Kielle kasi anong oras na din. Nakasakay na kami sa car nya tahimik lang kami wala na kasi akong maidada eh.

Kakainis talaga si Jaydee na yan nako, yari ka sakin kapag naging tayo di ka na makakapag date ng iba.

Ilang minuto din ay nakadating na kami sa condo namin, nagparking muna si Kielle bago bumaba para pagbuksan ako ng pinto ng car nya.

"Thankyou Kielle ha?" pagpapasalamat ko dito habang nakangiti.

"Wala yun, hatid na kita sa condo nyo" pagpipresenta naman nito kaya tumanggi ako kaya ko na naman tsaka kelangan na din nya umuwi baka hinahanap na sya sa kanila.

"Ako na maghahatid sa kanya, Kielle" may bigla namang nagsalita sa likod ko, alam ko kung sino to, si Jaydee.

"No ako na, ako yung kasama nya kanina eh" sagot naman ni Kielle kay Jaydee. Sinamaan naman ni Jaydee ng tingin si Kielle kaya nagsalita na ako kung saan pa mapadpad tong usapan.

"Kielle thankyou uli ha, ingat ka sa pag uwi kaya ko naman umakyat mag isa, sige na ingat ka" saad ko sa kanya at binalik namann nya ang tingin sakin sabay ngiti.

"Sige, thankyou din uwi na ako" saad naman nya sabay beso sakin ngumiti nalang ako at sumakay na sa kotse nya. Inintay ko namang makaalis car nya bago ako pumasok sa loob.

Nauna namang maglakad si Jaydee papunta sa elevator kaya sumunod na din ako, nasa elevator na kami pero walang nag sasalita samin.

Nagsalita naman kaagad ako kasi wala atang balak to.

"Bakit hindi kapa umuwi sa inyo Jaydee?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa pinto ng elevator iniintay long bumukas.

"Diba sabi mo mag uusap tayo?" seryosong saad naman nito sabay tingin sakin, bigla namang bumukas ang pinto ng elevator, nauna syang maglakad sakin napahinga nalang ako ng malalim. Selos ka din naman Jaydee eh.

Nasa tapat na kami ng pinto kumatok naman ako pero walang nagbubukas, siguro tulog na yung dalawa nilockan pa nga.

Kinuha ko naman kaagad yung duplicate nung susi na sakin at kaagad kong binuksan. Pumasok din naman sya kaya kaagad ko nilock. Tulog na nga yung dalawa dumiretso naman ako sa room ko at ramdam ko namang sumunod lang sya sakin.

"Queen" tawag nya sakin. Di ko naman sya pinansin at dumiretso ako sa cr ng room ko para magpalit ng damit.

"Ano bang problema, bakit ganyan ka sakin?" tanong naman nya lamig ng boses nya di ko naman maiwasang mapangiti HAHAHHA kinikilig ako sinesermonan ako ng asawa ko, char uli.

Nakapag bihis na ako ng pantulog at kaagad ako lumabas sa cr umupo ako sa bed ko sya naman nakaupo din, hinila naman nya yung upuan at umupo sa tapat ko.

Nagpophone lang ako, bahalaka manuyo jan, date date kapa ha🙄

"Selos ka ba?" tanong naman nya napatingin naman ako sa kanya, direkta ko syang tiningnan sa mata.

"Gusto mo ba ako, kasi ako gusto kita" saad nya uli, ito yung sinabi nya sakin kanina sa cr nakatawa pa sya kanina pero ngay'on seryoso na mukha nya.

Humiga naman ako sa bed ko at tumalikod sa kanya. Bahalaka talaga jan Jaydee.

"Mag usap nalang tayo bukas kapag di ka na galit sakin, sabi mo kasi sakin makikipag usap ka kaya dumaan ako dito" saad naman nya, tumayo sya at binalik yung upuan sa kinuhanan nya.

Tumingin naman ako sa kanya at umupo sa bed ko.

"Oo gusto kita Jaydee" saad ko sa kanya at napatingin naman sya sakin.

(40 votes update ako ng dalawang chapter, keepsafe everyone!❤️)

She Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon