Chapter 15

693 61 4
                                    

Jaydee POV

Nagpaparking na ako ng car ko at kaagad akong pumunta sa condo nina Coco. Nag elevator na ako kasi gusto kona uli makita si Queen, yie kilig yarn?🤣

Nasa tapat na ako ng pinto kaya kaagad akong kumatok, binuksan naman kaagad yun ni coco, kakatapos lang nya maligo napaaga ata ako.

"Oh jades aga mo ah, miss mo naman kaagad so ut-ut ko" pang aasar nito sakin napatawa nalang ako.

"Ayoko lang malate tayo, kung ano ano naman kaagad nasa isip mo" saad ko dito, pinapasok naman nya ako kasi magbibihis na sya.

Nandito lang ako sa couch nakaupo habang nag scroll sa IG ko, nasan kaya si Queen, napatingin naman ako pinto ng room nya. Nagulat naman ako kasi bigla syang lumabas.

"Oh tulala ka na naman sa ganda ko" pagsusungit naman nito sakin napakunot naman noo ko. Pumunta sya sa kitchen, pagbalik nya may dala syang dutch mill iniinom nya, ang cute parang baby ko hehe char.

"Gusto mo?" tanong nya sakin, di ko nalang sya pinansin. Lumabas naman si Coco galing room nya.

"Let's go na Jades" nakangiting saad nito habang inaayos yung bag nya.

"Let's go, bye Queen later nalang" sabay beso ko dito, ngumiti naman sya at tumango. Inasar na naman sya ni coco nag paalam na din sya kay frances wala dito si Ate Ella eh. Lumabas na kami ng condo nila at pumunta na sa parking lot.

Habang nag lalakad kami umimik naman tong kasama ko.

"Jades nakakahalata na ako sayo ha, gusto mo ba si ut-ut?" direktang tanong naman nito sabay tawa.

"Obvious na ba?" tanong ko naman dito habang papasakay kami ng kotse, nagulat pa ata sya sa sinabi ko.

"Sabe na nga ba eh, same kayo!" saad naman nito with matching hampas pa sa braso ko, coco mapanakit.

"I know naman, baka jaydee to?" pagmamayabang ko sa kanya sabay swag pa HAHAHA inirapan nya naman ako.

"Kung liligawan mo yun please lang jaydee wag na wag madadawit sa magiging issue mo, loveban tayo tsaka baka masira image mo sa mga fans mo at wag na wag mong sasaktan ut-ut ko" pag babanta nya naman sakin tumingin na lang ako sa kanya at tumango. Malapit na din kami sa studio.

After 15 minutes nandito na kami nagparking lang ako 9:55am na kaya binilisan na namin paglalakad sa wakas nakadating na kami, kami nalang pala iniintay pero atleast hindi late hehe.

"Good morning Coach" sabay naming bati ni Coco kay Coach ngumiti naman sya samin kaya pumasok na kami tumabi ako kina Laney at Amy, si coco naman nakina ate sheki.

"Good morning girls, may bago nga pala tayong member" paninimula ni Coach Angel. Tumango naman kami at iniintay kung sino yung new member.

"Come here Ms. Jie" tinawagan naman ni Coach si Jie galing sa labas, pumasok naman kaagad yung Jie, mama ang gandaaa!!!😭

"Girls, this is Mheijie Calis from 3rd Gen, inaasahan kong magkakasundo sundo kayong lahat at inaasahan ko din Jaydee na ituturo mo sa kanya yung ibang steps na di nya makukuha kaagad" saad naman ni Coach, tumango naman ako at ngumiti, ganun talaga dito ako lagi yung taga turo nila kapag hindi nila magets yung steps.

Nagtilian naman tong mga Ate's pati tong dalawa kong katabi, ship daw kaagad jusko!

"Shipp!!!" sigawan nilang lahat, si coach naman nakikitawa na lang din, nahihiya tuloy ako dito kay jie. Infairness maganda sya, kamukha sya ni Jennie sa Blackpink.

"Okay girls stop na, mag usap usap muna kayo then practive na tayo later" saad naman ni Coach samin at lumapit sakin si jie.

"Jaydee right?" tanong nya sakin, cute ng boses nya.

She Changed MeWhere stories live. Discover now