Chapter 4

706 62 0
                                    

Frances POV

Pumasok na kami loob, nasa unahan namin ni ut-ut si Ate Ella at Ate Gabb na magka holding hands. Oh diba sanaol HAHAHHA

"Okay guys, may bisita tayo" sabi ni Ate Gabb sa mga kaibigan nila at nagsitigilan naman sila sa mga ginagawa nila.

"Shawty ba Ate Gabb?" wika nung isang babae na may bangs na maliit HAHAHAH pero cute.

"Tumigil ka Amanda, Coco tingnan mo tong si Amanda" sumbong naman ni Ate Gabb kay ut-ut na katabi ko, inirapan lang naman ni ut-ut si Amanda daw.

"Ay hi baby ko" sabi ni Amanda sabay lapit kay ut-ut na parang sinusuyo, cute nila sakit lang sa mata. Bitter Frances ah HAHAHHA

"Okay, pakilala muna kayo kay Frances guys" wika ni Ate Gabb kaya naman tumingin sakin yung mga kaibigan nila na nakangiti.

"I'm Amanda, Amy nalang baby ako ni Coleen hehe" banggit naman ni Amy ngumiti ako sa kanya at binara naman sya nung isang babae na matangkad.

"Walang nagtatanong Peppa" sabi nung matangkad na babae at inirapan lang sya ni Amy, ngumiti naman ako cute nilang magkakaibigan eh.

"Hello, I'm Laney!" masayang banggit nito at inabot pa sakin ang palad nya para mag hand shake kami, tinanggap ko naman yun at ngumiti din sa kanya.

"Hello I'm Cole, I'm Dana, I'm Jem, I'm Ecka, I'm Belle, I'm Abby and I'm Sela, I'm Lara, I'm Brei" sunod sunod nilang pagpapakilala habang nakangiti sakin, nakangiti naman ako at kinakabisado kung anong mga pangalan nila.

"Teka nasan na naman si Jaydong?" tanong naman ni Ate Ella at Ate Gabb. Itong dalawang to talaga lagi nalang sabay magsalita, napatawa nalang kaming lahat.

"I'm here!" siguro yun ang hinahanap nila lumabas naman to galing kusina kasi naka apron pa sya.

"Wow naman ang Papi Jaydong, nagluluto na ng dinner" asar naman nila, cute talaga ng samahan nila. Sarap siguro nila maging kaibigan.

Napatingin naman sakin yung Jaydong, sungit naman ata nito. Tiningnan nya ako ng malamig ng awra.

"Ehem" pag pepekeng ubo nina Ate Gabb napansin ata nila na nagkatinginan kami ni Jaydong daw?

"Ah Jaydong si Frances pala, Frances si Jaydee, single yan ha?" Sabi pa nila sakin na parang inaasar kaming dalawa. Nag wave ako sa kanya pero tinanguan lang ako, di man lang ngumiti?

Okay lang yan Frances, di naman kayo close eh kaya wag kana mag expect na pansinin ka nyan, pero ang iba nya sa iba nyang kaibigan. Whatever!

Coco: "Okay ka lang ut-ut?" tanong nya sakin, napansin ata nya na tulala ako.

Me: "Oo naman ut-ut mukhang mababait mga kaibigan nyo ah, madali ko silang makakasundo" nakangiting sabi ko sa kanya.

Coco: "Oo naman ut-ut makakasundo mo sila puro ate yang mga yan" ngumiti naman ako sa kanya at kinuha ko cellphone ko, tumingin ako sa oras 5pm na pala, tawagan ko muna si mommy.

OTP

Mom: "Nasa Manila kana anak?" tanong ni mom sa kabilang linya.

Me: "Yes Mom, nandito po kami sa house nung girlfriend ni Ate Ella, sila po sumundo sakin, nandito din po mga friends nila" sabi ko kay mom.

Mom: "Oh sige anak, uwi na kayo mamaya ni coco sa condo. Madilim dilim na din, kumain kana ba?"

Me: "No pa po, pero kakain na din po kami dito" sabi ko kay mom.

Coco: "Tita hindi po namin gugutumin dito si Frances, mga patay gutom po kami HAHAHA" natatawang sabi ni coco kaya natawa din ako, sinamaan naman nga mga ate ng tingin si coco at nag peace sign nalang si coco sa kanila.

Mom: "Coco ikaw na bahala kay Queen ha, ingat kayo jan uwi na kayo mamaya sa condo madilim na din eh delikado na" pagpapa-alala ni Mom samin.

Me & Coco: "Yes mom/ Yes tita!" masigla naming sabi ni ut-ut sa kabilang linya, nagpaalam na ako na ieend kona mamaya nalang uli.

Inend kona ang call at isinandal ko ang ulo ko sa may sofa, kakapagod kahit tulog ako buong biyahe sa eroplano.

Coco: "Ut kain ka muna bago ka matulog, masamang matulog ng walang laman ang tiyan" paalala ni ut-ut sakin tumayo naman ako at ngumiti nandun na ang mga ate sa hapag kainan, ngumiti naman sila sakin.

Tumabi ako kay ut-ut, katapat ko si Jaydee medyo naiilang ako kasi tingin ng tingin pero kanina ang sungit sakin. Nevermind.

Nag sign of the cross muna ako bago kumain pati yung mga ate. At yun kumain na kami, sarap ng luto ah, wifeeee material HAHAHHA char🤣

"Nagustuhan nyo ba luto ko?" Tanong nung jaydee samin tumango ako at ganun din ang mga ate, di na nga makapag salita sa sarap ng luto na.

Kumakain lang kami hanggang sa matapos, tumayo na sila at ako naman niligpit yung mga pinagkainan at sinaway ako ni Ate Gabb na mga maids na daw bahala dun.

Umupo nalang ako sa sofa yung sa tabi lang ni Jaydee ang vacant kaya no choice dun nalang ako umupo, alangan namang tumayo ako, diba?

"Hello, sarap ng luto mo" sabi ko naman sa kanya at napatingin sya sakin dahil nag cecellphone sya.

"I'm Frances pala" inabot ko kamay ko, iniintay kong makipag hand shake sya pero ngumiti lang sya sakin.

Aba bastos to ah, pinapahiya moko sa mga ate, nakatingin samin mga ate kaya parang nahiya ako.

Nag stay lang kami sa living room habang nanunuod ng movie at nagkukwentuhan.

"Ut-ut let's go na? Para makapag pahinga kana din" sabi sakin ni coco, tumango naman ako at tumayo na. Nagpaalam na ako sa mga Ate.

"Uuwi na kayo Coco at Frances?" tanong ni Ate Gabb tumango naman ako.

"Hatid kona kayo nasakin maleta mo eh" tumanggi naman ako kahit na sinabe na nya kanina na siya uli maghahatid samin kaso may mga bisita sya.

" Mag ga-grab nalang kami ate" sabi ko sa kanya. Tumayo naman si Jaydee.

" Ako na maghahatid Ate Gabb, delikado na din mag grab baka kung san pa kayo dalhin ng driver" sabi naman ni Jaydee, for real? Yung masungit nag offer na sya maghahatid samin?

Tumingin naman sakin si Jaydee na seryoso ang mukha, ano bang tao to gwapo na eh sungit lang🙄 Nagpaalam na ako sa mga ate na uuwi na kami ni Coco, sasabay na din daw si Ate Ella, hahatid na sana sya ni Ate Gabb pero tumanggi din kasi nga nandun mga kaibigan niya.

"Jaydee yung maleta ni Frances nasa likod ng car ko, kunin muna lang" sabi ni Ate Gabb kay Jaydee.

"Ako na ang kukuha Ate Gabb" umuna na ako maglakad papunta sa garage nina Ate Gabb pero nakasunod sakin si Jaydee, kulit talaga nito ako na nga sabe eh🙄

"Ako na Frances" sabi naman nya, himala ah HAHAHA nagpasalamat ako sa kanya.

Nakatingin samin si Ate Gabb, Ate Ella at si Coco. Nang aasar pa mga to eh.

"Oh sya tara na ut-ut, baka magkamabutihan pa kayo" bulong nya sakin sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Ate una na po kami" pagpapaalam ko kay Ate Gabb yung ibang ate kasi nasa loob. Ngumiti naman silang dalawa samin ni coco.

"Jaydee ingat sa pag dadrive ha, shawty yang kasama mo" biro naman ni Ate Gabb kaya tumawa nalang kaming tatlo nina Ate Ella at Ut-ut pero itong driver namin napaka seryoso talaga sa buhay🙄

Papasok na sana ako sa back seat ng magsalita si Ate Ella.

"Ces sa front seat kana, jan kaming dalawa ni coco" sabi ni Ate Ella na parang pinupush ako kay Jaydee. Pinanlakihan ko naman sila ng mata aba kainaman naman dalawang to.🙄

No choice, lumipat ako sa front seat at yung dalawa inaasar pa ako, hay nako buhay, sumakay na ako kasi mukhang inip na yung driver namin.🤣

She Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon