Chapter 8

663 63 2
                                    

Jaydee POV

Naiwan ako dito sa room ni Frances, naliligo kasi sya, iniikot ko paningin sa room nya nakita ko naman picture frame sa side table nya. Mom at kapatid nya ata to kasi Family nakalagay tsaka may Lola at mga pinsan syang kasama. Cute naman nila❤️

Umupo lang ako sa upuan malapit sa table nya, nag phone muna ako, may nag follow sakin sa tiktok sino kaya to? Kaaga ko namang inopen tiktok ko.

"Frances Pinlac followed you" yan ang bungad sakin ni tiktok at likes ng mga fans ko, member ako ng mnl48 eh kasamahan ko sina coco, laney, amy at yung ibang mga ate.

Finollow back ko naman sya, biglang pasok naman nya sa room, fresh naman ng baby ko. Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo dahil sa suot nya naka croptop lang sya at pantalon yung towel naman nya nasa ulo nya, ang hot naman sa room mo baby.

"Baka matunaw ako nyan" biro nya sakin.

"Wow HAHAHHA napatingin lang ako kasi ang tagal mo maligo, inip na ako" natatawa kong saad dito. Hay nako jaydee sige pahalata kapa.

"Mag aayos lang ako ng face ko and mall na tayo" saad naman nitong conyo na to. Napangiti nalang ako, nagpophone lang ako dito sya naman nag aayos ng sarili nya.

11:30 na ng umaga tapos na din si Frances, niyaya kona sya, pababa na kami ng condo nag elevator na kami chinat nya muna mom nya daw. Nasa parking lot na sya syempre gentle woman tayo pagbubuksan natin Ng pinto ng car to.

"Thankyou" saad nya habang nakangiti, napangiti nalang din ako at umikot na sa car ko para makaalis na kami.

"San nga pala tayo Ms. Frances?" biro ko dito, napatawa naman sya ng bahagya.

"Jan nalang po tayo sa malapit" biro nya din naman sakin nagtawanan lang kami, kwentuhan ganun, diko akalain na makaka close ko din to kahit na pangit yung unang pagkikita namin, nasungitan ko sya HAHAHHA.

Nakadating na kami sa mall, nagparking muna ako at bumaba para pagbuksan sya, nag thankyou na naman sya sakin at ngumiti ng pagkakatamis, feeling ko tunaw na ako sa mga ngiti nya.

"Kain muna tayo, bago tayo mamasyal?" Tanong ko naman sa kanya, tumango lang sya habang nasa phone nya ang atensyon.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong ko uli, tagal nya bago sumagot kausap ata mom nya sa phone.

"Ahh kinakausap mo ba ako?" tanong nya sakin, nagbibiro ba to? May nakita ba syang ibang kausap ko?

"Ay hindi kausap" pagtataray ko dito. Inirapan nya naman ako.

"Sa resto na lang tayo, okay lang ba? Treat kona lang" saad naman nya umiling naman ako.

"Ako na, sige na sa resto tayo pero treat ko" saad ko dito, iimik pa sana sya pero diko na sya pinatapos, nauna akong maglakad sa kanya.

"Dito nalang tayo" turo nya sa isang Italian Restaurant, pumayag na ako at pumasok kami.

"For couples po?" tanong naman nung babae nagkatinginan pa kami ni Frances bago magsalita, sasabihin ko sanang hindi pero naunahan ako nitong kasama ko.

"Yes" nakangiting saad naman nito, wow HAHAHHA nagulat naman ako sa sinabi nito.

"This way po" turo naman nung babae samin ngumiti nalang ako at nagtataka pa din ako sa sinabi ni frances, nauna naman syang maglakad sakin.

Umupo na sya sa isang upuan, uupo na sana ako sa harap nya ng nagsalita sya.

"Ayaw mo ba sa tabi ko? Love?" saad naman nito, nabigla naman ako sa sinabi nya. Ngumiti naman sya ng nakakaloka. Napailing na lang ako at umupo nalang sa tabi nya.

Umoorder na sya ng kakainin namin ngay'on, sabi ko kasi sya na umorder para masaya.

"Ano gusto mo love?" Tanong nya naman sakin napangiti naman yung nagiintay ng order namin, kung sakyan ko kaya trip ng babaeng to?

She Changed MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang