Chapter 27

724 78 9
                                    

*Kinabukasan

Frances POV

Nagising ako ng 8:00 am, nagkukusot naman ako ng mata ko then kinuha yung phone ko sa table ko. Tumatawag pala si Jaydee dami nyang missed call sakin. Well patas lang tayo, tinulugan moko kagabi.

Bumangon naman ako at dumiretso sa cr para gawin morning routine ko. Ilang minuto pa ay natapos na ako sa routine ko umupo naman ako sa bed ko at tumulala lang ng ilang minuto. Bigla naman akong nagutom kaya naisipan kong lumabas.

"Good morning my love" wait Jaydee? Aga mo naman dito ah, nagulat pa ako kasi pagkabukas ko ng pinto nandun sya sa tapat. Napahawak naman ako sa dibdib ko at natawa naman sya.

"Mygod Jaydee aatakihin ako sayo eh" pagtataray ko sa kanya, tinulugan moko kagabi ah.

"Wala bang good morning Jan bago ka mag sungit?" saad naman nya naglakad naman ako papunta sa couch at ramdam ko namang sumunod sya.

"Sorry na love, nakatulog na kasi ako kagabi pagkauwi ko gusto ko man mag chat sayo kaso diko talaga kaya super pagod habang nagdadrive nga ako inaantok na ako eh" pagpapaliwanag naman nya sabay hawak sa kamay ko at kinikiss nya likod ng palad ko.

"Yan ang sanaol" pang aasar naman ni Coco saming dalawa. Tumawa naman si Jaydee.

"Yan din ang when?" isa pa to si Ate Ella eh.

"Nasan ba si Ate Gabb at si Amanda?" pagbibiro ko naman sa kanilang dalawa.

"Bakit ang aga mo naman ata ngayon?" tanong ko naman dito sa katabi ko tiningnan nya lang ako habang nakangiti, hay nako Jaydee.

"Siguro manunuyo?" patanong nyang sabi sakin napakamot naman sya sa ulo nya.

"Sorry na love, may dala akong breakfast sayo kainin muna baka lumamig pa di na masarap ang pagkain kapag malamig na. Kaya wag ka na din manlamig sakin" saad naman nya sabay yakap sakin ako naman diko maiwasang di mapangiti sa ginagawa nya. Super cute lang tingnan tong si Jaydee napaka sweet🥰

"Let's eat na, okay na yun. Btw good morning" saad ko sa kanya at pinisil pisil kopa pisnge nya. Napangiti naman sya.

"Let's eat, kumain kana din kakaunti daw kinain mo kagabi sabi sakin nina Ate Ella at Coco" saad naman nya sakin, kinuwento pa talaga nilang dalawa HAHAHHA ewan ko ba basta wala akong gana kahapon diko alam kung bakit.

"Ate Ella, Ut-ut kain na tayo" saad ko naman sa dalawa nasa room ata nila ayaw ata makita yung bebe time namin ni Jaydee kasi wala yung mga bebe nila.

"Tapos na ba yung bebe time nyo?" asar naman ni Coco samin, inirapan ko nalang sya at umupo na para kumain.

"Whatever, let's eat na" saad ko naman sa kanilang tatlo, tumabi naman sakin si Jaydee at yung dalawa ni Ate Ella and Ut-ut ang magkatabi, katapatan lang namin ganun.

Nag pray muna kami bago kumain then kwentuhan lang about sa mga plano sa buhay. About din sa pagbabakasyon namin sa rest house nina Jaydee maybe Sunday daw para free yung ibang Ate.

"Ako na maglilinis ng plates" volunteer naman ni Coco. Tumango nalang kami baka kasi magbago pa isip kapag umangal kami.

"Thankyou Jades sa masarap na breakfast" nakangiting saad ni Coco kay Jaydee tumango naman si Jaydee at ngumiti sa kanya.

"Thankyou bebe jades, sana mahawaan mo si gabbo sa pagluluto sa pagpiprito lang ng mga hotdog takot na sa mantika eh" natatawang saad naman ni Ate Ella kaya natawa kami.

"Oo nga no HAHAHA nung nakalive kayo may balot pa ng towel braso nya" natatawang saad din naman nitong si Jaydee pero ako can't relate wala pa kasi ako dito nung mga time na yun.

She Changed MeWhere stories live. Discover now